4 at 5 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - News -

Dear David,

NAGTATRABAHO ako bilang isang maintenanceelectrician sa isang apartelle pero maliit lang ang suweldo ko at hindi sapat sa aking pamilya dahil nagpapaaral ako ng aking mga anak at maysakit pang diabetes ang aking asawa na malaki na rin ang nauubos na gamot. Hindi ko na yata alam kung paano ang dapat kong gawin. Gusto ko sanang mag-abroad dahil inaaaya ako ng kapatid ko sa Middle East pero naaawa naman ako sa asawa ko na maysakit at walang magaasikaso sa aming pamilya. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Kailan ba ako makakatikim ng magandang kapalaran? Anong taon, buwan at petsa ang buwenas ko? Bigyan mo rin ako ng masusuwerteng kulay, at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 22, 1965. MICO NG BACOLOD

CITY

Dear Mico,

NUMBER four (4) at five (5) ang mahihiwagang numero. Buntala ng Uranus at Mercury ang kumokontrol sa iyong buhay. Ang buhay ay parang palitaw – lulubog, lilitaw! Nagsasalitan lamang ang saya at lungkot, kabiguan at tagumpay. Anumang pagangat sa buhay ay hindi magtatagal sa iyong kamay, pero kapag ikaw ay nabibigo, hindi rin naman ito mananatili, at kusang malulutas ang marami mong problema kahit hindi mo ito kusang lutasin. Buwenas ka sa paglilipat-lipat ng lugar upang manatiling sariwa ang iyong buhay at kasiglahan sa pagtatangka na magtagumpay. Ibig sabihin, hindi mo mapapasakamay ang magandang kapalaran kapag ikaw ay nagmumukmok lamang sa isang sulok ng iyong silid, bagkus kailangang pasyalan mo ang mga dati mong kakilala na mag-aalok sa iyo ng isang oportunidad na kikita ka nang malaki na magpapabago sa takbo ng iyong buhay.

Suwerte ka sa mga pagkain na naiimbak nang matagal – bagoong, suka, dried foods at mga de-lata. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2018 at 2020 kung saan matutupad ang marami mong pangarap lalo na sa mga buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto at Setyembre lalo na sa mga petsang 4, 5, 13, 14, 19, 22, 23 at 31 partikular kapag natatapat sa araw ng Linggo at Miyerkules. Kulay dilaw at gray ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No.4 at No.5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 1 - 14-18-23-24-25-34-3640-42.

ASSET tips; 3-6-1/ 8-9-3/ 4-6-3/ 7-5-2. Wiretips: 4-3-8/ 1-3-9/ 7-9-3/ 4-2-6/ 5-3-6. Double digit: 4-8/ 0-3/ 1-3/ 66. Luzon guide: 2-6-11-18-2326-34-37-40-42. VisMin: 3-611-18-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-2534-37-40-42.Grand Lotto: 37-11-19-23-25-34-36-40-4550-53-55. Four Number: 4-26-1/ 7-8-3-4/ 2-1-4-2/ 7-8-34.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.