Sharon agaweksena bilang muse sa PBA opening; ilang players nagpa-selfie pa

Relasyong Oyo-Tintin dapat gayahin ng mga young couple 'Rainbow's Sunset' ni Manoy pasok sa Top 5 ng 2018 MMFF

Bandera (Visayas) - - Front Page -

SIMPLENG blue suit ang suot ni Sharon Cuneta sa opening ng PBA games last Sunday bilang muse ng Magnolia Hotshots team.

Yet, lutang na lutang pa rin ang pagiging sopistikada ng Megastar sa mga kasabayang muse ng ibang teams kabilang na ang mga kapwa-artista at ilang beauty queens.

Tuwing PBA opening, atraksyon na ang presence ng mga artista at beauty queens pero ang presence ni

Shawie sa opening day ay memorable hindi lang sa team na sinamahan niya kundi maging sa PBA fans.

No wonder, ‘yung ibang players ng Magnolia gaya ni

Peter June Simon ay sinamantala ang pagkakataon upang magkaroon ng selfie with the Megastar.

Rumampa rin sa nasabing PBA event bilang muse sina Pia Wurtzabach, Kylie Versoza, Sam Pinto, Yam Concepcion at Klea Pineda.

Pinaaayos na ni Harlene

Bautista sa award-winning writer ng "Rainbow’s Sunset" na si Eric Ramos ang next project ng Heaven’s Best Entertainment.

Sa thanksgiving party na ginanap last Sunday sa Salu resto, biro ni Harlene kay Eric, gawin na ang "Rainbow’s Sunrise" bilang follow up sa most awarded entry sa katatapos lang na 2018 Metro Manila Film Festival.

“Maraming nagri-request na gawin itong stage musical at iba pa. Pero siyempre, natutuwa kami at mula sa kulelat eh, nasa number five na ito sa walong entries.

“Natuwa ako dahil naghintay sina direk Joel (Lamangan )at Dennis (Evangelista, line producer) sa desisyon

namin bago gawin ang movie. Siyempre, budget ang kailangan eh, hindi naman kalakihang kumpanya ang Heavy en’s Best.

“May mga artista ring hind di pumuwede at ‘yung pumalit nagood man ay good choice.

“This year, maravitations ming invatations para sa international film festivals, invitation from LGBT commund nities and Filipino communities abroad. Ayusin muna namin ‘yon bago ang next project ng Heaven’s Best,” pahayag ni Harlene na mangiyak-ngiyak sa success ng huling proyekto ng Heaven’s Best.

Pahayag paa niya, nabalikula bawi na ng pellikulang inkumpara vestment nila kumpara sa unang araw ng showing nito. Inakala kasi niyang magiging traumatic ang experience sa paggawa ng "Rainbow’s Sunset."

Isa sa mga young showbiz couple na hinahangaan ng marami ay ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa.

Walong taon nang nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa at going strong pa rin hanggang ngayon ang kanilang pagsasama.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Oyo ng litrato nilang dalawa ni Tin at ilang photos kasama naman ang kanilang mga anak. Dito ibinandera ng aktor ang kanyang kaligayahan dahil magkakasama pa rin sila sa dalawang mahalagang okasyon sa kanyang buhay.

Magkasabay na ginanap ang kanyang birthday at ang wedding anniversary nila ng asawa.

Narito ang caption ni Oyo sa kanyang IG post, "Happy na, birthday pa, anniversary pa! Solid! Salamat Lord sa walong taon. Ibang klase, only by God's grace. Salamat din sa tatlumput limang taon dito sa mundo. I love you @khsotto thank you to my children. Ate Dre, anyare sa wacky face mo? Love you guys!"

TEAM MAGNOLIA HOTSHOTS AT SHARON CUNETA

OYO SOTTO AT KRISTINE HERMOSA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.