10 dapat at di dapat gawin kapag nasa checkpoint

Bandera (Visayas) - - News - Ni Bella Cariaso

NAGSIMULA na ang 150day election period noong Enero 13 at tatagal hanggang Hunyo 12.

Dahil dito, naglagay na rin ng mga checkpoint ang PNP sa buong bansa habang ipinatutupad ang gun ban para mapanatiling payapa ang darating na halalan.

Narito ang ilang mga paalala sakaling sasailalim sa checkpoint:

1. Agad na mag-report sa election officer sa pinakamalapit na lugar sakaling may mangyari habang sumasailalim sa checkpoint.

2. Tanging "visual search" lang ng mga sasakyan ang dapat isagawa ng mga pulis.

3. Hindi maaaring magsagawa ng physical search.

4. Huwag bumaba ng sasakyan, buksan ang pinto o compartment kung sakaling iniuutos ng pulis.

6. Maaaring magvideo ang mga motorista sakaling parahin sa checkpoint para matiyak na mapananagot ang mga pulis sakaling may hindi kanaisnais na mangyari.

7. Maaari ring magdala ang mga pulis ng camera bilang proteksyon sakaling mag-akusa ang isang motorista.

8. Kung paparahin, tiyakin na nasa maliwanag na lugar ang mga nagsasagawa ng inspeksyon. Huminto sa maliwanag para matiyak na kitang-kita ang pagsasagawa ng inspeksyon.

9. Kapag malapit na sa checkpoint, bagalan ang pagtakbo ng sasakyan, ipatay ang headlights at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan.

10. Tiyakin na ang mga nagmamando ng checkpoint ay unipormado at may mga nameplate.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.