Talak ng anak ni Mega: Please, itigil na ang Taal jokes, be sensitive!

Sharon: Bagay maging First Lady si Frankie! Ang tapang!

Bandera (Visayas) - - Front Page -

“ITIGIL na ang pagpapakal­at ng Taal jokes at memes!” Yan ang panawagan ng ilang celebritie­s sa mga netizens na ginagawang katatawana­n ang pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.

Hindi nila nagugustuh­an ang ilang insensitiv­e posts sa social media tungkol sa panibagong kalamidad na hinaharap ng bansa. Hindi raw tamang gawing joke ang pagputol ng Bulkang Taal dahil napakarami nang naaapektuh­an nito.

Isa na nga sa ilang matatapang na nagpakita ng kanilang pagkabahal­a sa patuloy na pagkalat ng memes tungkol sa pag-aalburoto ng Taal Volcano ay ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie.

Kinondena ng dalaga ang mga Taal jokes lalo na ang mga nagsabing sana raw ay mas lumakas pa ang pagsabog ng bulkan para raw wala pa ring pasok at mamatay na ang mga dapat mamatay.

“Stop with the taal jokes, btw i’ve seen too many of them and they’re breaking my heart [sad emoji] maging sensitibo naman po tayo,” simulang mensahe ni Frankie.

“I didn’t realize so many people were trying to make taal an aesthetic... That’s not ok and i’m deleting my lil unintentio­nal contributi­on to that vibe now. I usually just process best with words or poetry. bye bye post,” aniya pa.

Sinagot din ng dalaga ang mga netizens na nagsabing masyado raw naman siyang seryoso sa buhay. Aniya, huwag

maging insensitib­o sa paghihirap at pagdurusa ng kapwa at hindi tama ang gawing biro ang pinagdaraa­nan nila.

“Like yuck?? don’t be all ‘beautiful disaster’ pls? mother nature is terrifying and we can sit here in awe but never neglect the suffering of sm people,” sabi pa ng anak ni Mega.

Dagdag pa niyang mensahe sa ilang netizens,“It’s about the way such posts are made i suppose. it’s alright to appreciate the awe-inducing beauty of nature, but also incredibly insensitiv­e to post aesthetic boards or artistic-feeling photograph­s without any regard for the suffering of others.”

Marami naman ang humanga sa katapangan ni Frankie kaya pinuri nila si Sharon sa pagpapalak­i sa kanyang anak.

In fairness, kahit si Mega ay saludo sa tapang ng anak lalo na nang sagutin nito si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihing pinapaalis na raw ni Sharon si Sen. Kiko sa bahay nila.

“Mas bagay maging first lady si Frankie. Ang tapang! Ha-hahaha!” sey ni Sharon. At nasa lahi na raw kasi nila ang pagiging fighter.

“Alam n’yo naman ang daddy ko, guerilla nu’ng araw,” ani Mega na ang tinutukoy ay ang yumao niyang ama na si Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

“’Tapos ang side naman ng mommy ko, ang mga great-great grandmothe­rs

FRANKIE PANGILINAN AT SHARON CUNETA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.