Robin nag-sorry sa ABS, GMA, TV5: Naging mapusok ako

Bandera (Visayas) - - Front Page -

Na-bash nang todo si Robin Padilla matapos hamunin ang mga Kapamilya stars na ibandera sa publiko ang kanilang kinikita sa gitna ng mas umiinit pang issue sa franchise renewal ng ABSCBN.

Hindi nagustuhan ni Binoe ang mga sympathy posts ng mga Kapuso at Kapamilya stars para sa ABS-CBN kaya hamon niya sa mga ito ilabas ang kanilang network contracts at talent fee at ikumpara sa kinikita ng mga ordinaryon­g manggagawa.

Narito ang sagot ni Robin sa kanyang haters: “Pabida daw ako sabi ng netizen pasensya na po kayo ilang dekada rin po ako na nagbida sa maraming pelikula at teleserye katunayan ako po ay pinalad na maranasan ang golden era ng movies at television when monopoly is still not the language...

“Masuerte ako na inabutan ko ang mga katulad ni Fernando Poe Jr at Rudy Fernandez mga artistang naging boses ng manggagawa sa sining hindi nga lang maisabatas ang mga negosasyon dahil laging nasa awa lamang ng mga producer nakasalala­y maisakatup­aran ang napagkasun­duan kayat napakapala­d ng mga bida sa oras na ito dahil bumagsak sa harapan nila ang usapin at isyu ng ABS-CBN.

“Isang pagkakatao­n ito na hindi naibigay sa mga hari ng pelikulang pilipino isang ilaw ito sa isang napakadili­m na mundo ng showbiznes­s 70 percent ng workers sa movie industry are living in poverty at sila yun mga nasa ground and almost 90 percent ng lead actors and actresses character actors and actresses die in poverty and shame some are exploited to gain mercy and financial assistance.

“As a gift to my wife this Valentines Day, I apologize to all her family and friends in ABS-CBN, ganon din sa GMA at TV5, patawarin niyo ako the ex-convict in me overtook my emotions, inaamin ko ang aking pagiging mapusok. I could have said my piece in a spiritual way. Let’s give the profit of our labor to our employers but our voices to the laborers” pahayag ni Robin.

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.