Tulak nakatakas, pulis sugatan sa buy-bust

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

NAKATAKAS ang isa sa mga itinuturing na top drug suspect ng Laguna habang isang pulis ang nasugatan nang mauwi sa barilan ang buy-bust operation sa bayan ng Lumban, Miyerkules ng hapon.

Pinaghahanap pa ang suspek na si Jeremy Matienzo Villegas alyas "Jing Jing," sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.

Si Villegas, ika-5 sa listahan ng provincial "high-value targets," ay sinasabing nakakapagpakalat ng 150 gramo, o P900,000 halaga, ng shabu kada linggo, aniya.

Nagpapagaling naman ngayon sa ospital si SPO1 Jerome Garcia, miyembro ng Provincial Intelligence Branch, dahil sa tama ng bala sa mukha.

Isinagawa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon dakong alas-2:30 ng hapon, sa baybayin ng Laguna Lake na nasa Sitio Magano, Brgy. Maytalang 1.—John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.