Isko magbibitiw, tatakbo sa Maynila

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

BALAK nang magbitiw bilang Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Isko Moreno dahil plano nitong tumakbo sa pagka-mayor sa Maynila.

Nagpadala na ng kanyang resignation letter si Moreno kay pangulong Duterte kahapon.

Makakalaban ni Moreno ang reelectionist na si dating Pangulong Estrada at dating alkalde Lito Atienza at Alfredo Lim.

Sa Quezon City, nagfile na ng kanilang certificate of candidacy sa pagkamayor sina vice mayor Joy Belmonte at Ismael Mathay kasama ang kanilang mga runningmate na sina Gian Sotto at Roderick Paulate.

Samantala, iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na gagamitinn pa rin ang Estrada bilang "nickname" sa nalalapit na halalan upang hindi magtampo ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Aminado si Ejercito na sumama ang loob ng kanyang ama nang lumpita siya sa Nationalist Peoples Coalition ( NPC) matapos na manumpa ito kahapon kay Senate President Vicente Tito Sotto III. —Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.