BRYAN REVILLA SUPORTADO ANG KASO NI GRETCHEN: NA-SHOCK LANG AKO!

Kalat na: Bong tatakbo uling senador sa 2019

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

THANKFUL si Bryan Revilla sa mga sumuporta sa pelikula nilang "Tres" kasama ang mga kapatid na sina Cavite Vice-Governor Jolo and Luigi Revilla.

Blessing and a dream come true para kay Bryan ang success ng movie nila. Kaya naman asahan na ang pagtuluy-tuloy ng showbiz career niya.

“There’s more to come. We’re working on some more projects pero ano na lang, I can’t really talk about it yet, e. Pero ‘yung isa we will be starting already next year,” lahad ni Bryan nu’ng solo namin siyang makausap sa special screening ng "Tres" sa Santolan Town Plaza sa Boni Serrano, San Juan recently.

Ilalabas daw nila ang fulllength movie verion ng "Virgo" episode niya sa "Tres", “So, kung dito feeling ninyo bitin, wala pa ‘yan. Ang daming hindi ipinakita. This was shot really for full length. Pinutol lang talaga for 35 (minutes). This was really cut for an hour and 30 minutes.”

Mapapanood ang buong kuwento ng buhay ng karakter na ginampanan niya sa movie na si Virgil. Iba raw ang ending na ipapakita nila sa napalabas sa sinehan at iba rin ang twist sa full-length verison nito.

Very proud daw ang Papa nila na si former Sen. Bong Revilla sa feedback na nakarating sa kanya. Wish nilang mapanood din ng Papa nila ang "Tres" at makalabas na sa PNP Custodial Center.

Speaking of Bong Revilla, kinuha namin ang reaksyon ni Bryan sa balitang tatakbo uling senador sa next eletion ang kanyang ama.

“Well, hintay-hintay na lang po tayo at ipagdasal na lang po natin. One day at a time and darating tayo diyan kung talagang itatadhana. Pero as of now, I can’t really talk about certain things. Hindi pa talaga official,” sabi ng binata.

Suportado naman ni Bryan ang entertainment segment host ng TV Patrol na si Gretchen Fullido sa kinakaharap nitong kaso laban sa ilang kasamahan sa ABSCBN.

“Well, ako since kaibigan ko ‘yan, very malapit siya sa akin. I’ll support her all throughout, all the way. And I’m praying for her. I’ll pray for her na bigyan siya ng lakas. I wish him nothing but the best.”

Para kay Bryan, napakabait at napakasipag na tao ni Gretchen, “She’s one of the most hard working peole I had ever met in showbusiness and totoong tao ‘yan,” lahad niya.

Last time na nagkausap sila ni Gretchen was a few weeks ago. Pero wala itong nabanggit sa kanya tungkol sa pagsasampa niya ng kaso, “Clueless din ako. Na-shock lang ako. I’ll just pray for everyone na sana maayos. Mabigyan ng hustisya,” diin pa niya.

Not sure si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kung susuportahan siya ni outgoing Mayor Herbert Bautista sa kanyang pagtakbo bilang punung-bayan ng kanilang syudad sa susunod na halalan.

Hindi pa kasi sila nagkakausap uli ni Mayor Bistek nitong nakaraang mga araw. Although, aware si VM Joy tungkol sa balitang nawala ang cellphone ni Mayor Bistek at may kumalat na text message diumano galing sa phone ni Mayor Bistek laban kay VM Joy.

“Yeah, may lumabas na balita na ‘yung si Mayor nagtext sa mga tao na suportahan ‘yung kalaban ko. Sabi ko lang, okey. Tapos later, binanggit ni Mayor na ‘yung number daw niya ginamit. Eh, okey. Wala naman akong comment,” pahayag ni VM Joy sa grand launch ng QCinema International Film Festival na magaganap simula sa Okt. 21 hanggang 30.

Hindi naman daw naapektuhan ang relasyon nila ng actor-politician professionally, “Siya pa rin ang boss ko. Pero hindi na kami masyadong nagkikita kasi, e. Actually, may sarili na siyang lakad. Ako naman, busy na rin sa kampanya.”

Speaking of QCinema Internationl filmfest, five films ang binigyan ni VM Joy ng grant worth P1.5 million. Ang mga pelikulang pumasok sa "Circle Competition ng QCinema ay ang “Billie & Emma” ni Samantha Lee, “Dog Days” ni Timmy Ham, “Hintayan Ng Langit” ni Dan Villegas, “Masia A. Papanok” ni Gutierrez Mangansakan at ang “Oda Sa Wala” ni Dwein Baltazar.

Mapalad ang gumawa ng mga nabanggit na pelikula dahil lahat ng kikitain nila sa pagpapalabas nito ay makukuha nila ng buo. Walang perang mapupunta sa QCinema na siyang ikinaiba at pinagmamalaki ni VM Joy.

Anyway, nakatsikahan din namin si Direk Dan during the event at binati rin namin siya sa napakalaking success na latest movie niyang “Exes Baggage.” Umabot na sa P200 million ang kita ng movie at ‘di malabong maka-P300 million pa ito during the weekend.

After maipalabas ang “Hintayan Sa Langit,” hindi muna siya gagawa ng pelikula. Magko-concentrate raw siya sa bago niyang teleserye sa ABSCBN, ang “Mea Culpa” nina Bela Padilla at JC Santos. Alden Richards. Nasaksihan nila ito dahil sila ang pamilya ng Pambansang Bae sa Kapuso primetime series na Victor Matanggol.

“Kaya kami, wala kaming karapatang mag-demand ng cut off. Si Alden, maagang dumarating sa set at umaga na natatapos pero wala kaming narinig ni katiting na reklamo na umaayaw na siya,” pahayag ni n ch lala n pilot ep kung saan nap Pepito ang me lotto na P700 Sa isang rep binalikan ang ng programa, ang winning Bitoy bilang si inalala ni Mi winning lotto

GRETCHEN FULLIDO AT BRYAN REVILLA

BONG REVILLA

MICHAEL V

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.