LITRATO NI JOHN LLOYD SA LOOB NG JEEP VIRAL NA

Osang: Tama lang na makalaya na si Sen. Bong

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

ko dati, pero siyempre yun ang tama sa ‘yo noon, lahat kaaway mo. Pero pag nagkakaedad ka na pala talaga, nag memellow ka sa ayaw at sa gusto mo,” pahayag ni Osang sa press.

Aniya, isang rason kung bakit nagbago ang pananaw niya sa buhay ay ang kanyang apo na si Gabriel Revilla, na anak ni Jolo Revilla sa anak na si Grace Adriano.

“Yung pagkawala sa akin ni Gab (ang nagpabago sa akin), pero tingnan mo kasundo ko na ngayon si Jolo,” sey ng aktres.

Dagdag pa ni Osang, hinihiling din niya na makabalik na ang tatay ni Jolo na si Bong Revilla sa pamilya nito at makalabas na ng PNP Custodial Center.

“Actually nakakarating sa akin (balita tungkol sa dating senador) pero siguro tama lang na lumabas na si Senator Bong, nagdusa na rin naman ‘yung tao ng ilang taon, si Jinggoy (Estrada) nakalabas na, it’s about time,” sey pa ni Osang.

Nagpasalamat din siya sa pamilya ni Jolo dahil maayos ang buhay ng kanyang apo.

Samantala, magsisimula na ang Los Bastardos sa Kapamilya Gold ng ABSCBN sa Oct. 15, Lunes. Gaganap si Osang dito bilang nanay ni Jake Cuenca na isa sa mga bastardong anak ni Ronaldo Valdez bilang si Don Roman Cardinal.

Ang iba pang gaganap na anak ni Ronaldo sa serye ay sina Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casiño at Joshua Colet. Ang nasabing serye ay hango sa Cardinal Bastards series ng Precious Hearts Romances. Tunghayan kung paano magsasanga-sanga ang kanilang mga buhay sa pagtuklas nila ng kanilang mga tunay na pagkatao. Kasama rin dito sina Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina, Ritz Azul, Kylie Verzosa, Perla Bautista, Joyce Ann Burton, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Isabel Rivas, Lito Pimentel at Bert Reyes. Panoorin ang Los Bastardos araw-araw simula sa Oct. 15 sa Kapamilya Gold, pagkatapos ng Kadenang Ginto.

JOHN LLOYD CRUZ

ROSANNA ROCES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.