2 Kapuso comedian ibubuking si Regine

Carmina, Mavy, Cassy bibigyan ng talkshow sa GMA

Bandera - - NUR SON URGED TO RUN FOR SULU GOV -

TULOY-TULOY pa rin ang selebrasyon para sa ika-6 na anibersaryo ng favorite tambayan n’yo tuwing Sabado ng umaga, ang Sarap Diva sa GMA 7.

Para sa part 2 ng anniversary special ng Sarap Diva, makakasama ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang mga paborito niyang comedian – sina Philip Lazaro at Tetay.

And together with Regine’s housemaid, sidekick and friend na si Inday Terry, ibabandera nina Philip at Tetay ang lahat ng mga nalalaman nila about the Songbird sa pamamagitan ng nakakalokang “Buco-han” segment. Pagtsitsismisan nila si Regine habang humihigop ng buco juice.

Bukod dito, ibabahagi rin ni Philip sa mga Kapuso viewers ang kanyang mouthwatering recipe na Callos na isa sa mga favorite dish ni Regine.

Another feature of this anniversary episode is Regine’s duet with Jay Durias. lahat ng ‘yan at iba pang mga sorpresa mapapanood na ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva, bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7 lang. Sarap Diva also airs on GMA Pinoy TV and GMA Life.

Samantala, totoo nga kaya ang balitang ito na ang huling episode ng Sarap Diva with Regine as the host. Ayon sa chika, papalitan na raw ito ng titulo at magiging Sarap Di ba?

Si Carmina Villarroel na raw ang magiging host nito kasama ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy. Iniba na raw ang konsepto ng programa na swak sa mag-iina.

Wala pa itong kumpirmasyon mula sa GMA management pero ang chika, magsisimula na raw mag-taping sina Carmina para sa pilot episode ng show. So, ibig bang sabihin nito tuloy na tuloy na ang paglipat ni Regine sa kabilang network? ‘Yan ang ating abangan!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.