SEXY ACTRESS BUMALIK SA PAGBEBENTA NG KATAWAN KAYA NILAYASAN NG ASAWA

Jason pasadong contestant sa Super Sireyna ng ‘EB’

Bandera - - FRONT PAGE - BY AMBET NABUS

talaga kumbaga.

Makakasama niya sa

Speaking of Jason Abalos, tunay namang nakakagulat ang transformation niya bilang isang transgender sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Mag-asawa ang role nila ni Kris Bernal sa kuwento pero mabubuking nga ang tunay niyang pagkatao at mai-involve sa kapwa niyang lalaki na gagampanan ng hunk model na si Matthias Rhoads.

Kung paano itong gagampanan ni Jason, yan ang masarap abangan lalo pa't ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya bilang all-out bading.

Pero in fairness, ang ganda-ganda pala ni Jason kung naging babae siya. Sa trailer kasi ng serye, ipinakita kung paano siyang nag-transform bilang transwoman. Sabi nga namin, pwedeng-pwede siyang sumali sa Super Sireyna ng Eat Bulaga. Ha-hahaha!

Sayang nga lang dahil maaga kaming umalis sa presscon kaya't hindi namin narinig ang mga tsika niya kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role at kung sino ang peg niya sa pagiging transgender? Given na ang husay ni Kris sa pagganap lalo na sa mga mga complicated roles kaya kapag nakita uli namin siya sa aming "eskuwelahan" sa Faces And Curves sigurdong umaatikabong tsikahan ang aming gagawin tungkol sa bago nilang serye. Alam mo iyan Kris! Ha-hahaha!

Isa ang maganda at seksing aktres sa mga napapabalitang hiwalay na sa asawa.

Kung dati-rati ay pumapatol ito sa mga tsismis tungkol sa kanyang personal life, kataka-takang tahimik at dedma lang ito sa pang-iintriga sa kanya.

Hanggang sa isang umpukan ng mga personalidad na kilala sa isang larangan ay napag-usapan ang maganda at seksing aktres.

Diumano, nabuking daw yata ng asawa nito ang ginawang pagrampa

ng seksing misis sa opisina ng isang napakayaman at maimpluwensyang businessman sa bansa.

Ang rampahang sinasabi ay may kaugnayan sa escort service (out of the country) kasama ang iba pang personalidad gaya ng mga beauty queen, models at iba pa. Dati pa raw itong ginagawa ng seksing aktres lalo na nu’ng kasikatan niya. Pero hanggang sa magkaasawa at magkaanak daw pala ito ay tuloy pa rin ang kanyang pagraket sa escort service business lalo pa't hindi na masyadong bongga ang kanyang career.

Kung isa man daw ‘yun sa mga rason ng napapabalitang break-up, tayo na raw po ang mag-isip dahil ang tsismis, sa ganung mundo rin naman daw galing ang asawa ng seksing aktres? Ay, kalurkey!!!

RAYVER CRUZ AT KRIS BERNAL

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.