34 pupils nalason sa siomai

Bandera - - FRONT PAGE -

AABOT sa 34 mag-aaral ng Alabang Elementary School sa Alabang, Muntinlupa ang naospital makaraang kumain ng siomai, kamakalawa.

Ayon sa Muntinlupa City Health Office, isinilbi ang siomai sa kantina ng paaralan bilang meryenda.

Matapos kumain ay sumakit ang tiyan, nagsuka at nahilo ang mga bata alas-5 ng hapon.

Agadnamang isunugod ang mga bata sa Alabang Medical Clinic at Ospital ng Muntinlupa.

Ipinadala sa Food and Drug Administration (FDA) ang sample ng siomai na kinain ng mga mag-aaral habang ang stool sample ay dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para ipasuri.

Noong nakaraang buwan, aabot sa 150 residente ang nalason matapos kumain ng pagkaing isinilbi sa kanila sa Southville 3 Housing Project, Brgy. Poblacion sa naturang siyudad. —Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.