2 hati sa P72M; P1.1B mailap

Bandera - - FRONT PAGE -

DALAWA ang maghahati sa P72.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Biyernes ng gabi.

Samantala, wala namang nanalo sa P1.1 bilyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, dalawa ang nakakuha sa winning number combination na 23-26-12-10-36-30 sa bola ng Mega Lotto. Sila ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo sa main office ng PCSO.

Nanalo naman ng tigP18,910 ang 117 mananaya na nakakuha ng limang numero habang tig-P350 naman ang 5,054 mananaya na nakaapat at tig-P20 ang 72,909 mananaya na nakatatlo.

Sa bola ng Ultra Lotto, inaasahang aabot sa P1.150 bilyon ang jackpot prize mamayang gabi.

Nanalo ng tig-P187,780 ang 115 mananaya na nakakuha ng limang numero habang tig-P1,820 naman ang 9,449 mananaya na nakaapat at tig-P20 naman ang P236,656 mananaya na nakatatlo.—Leifbilly Begas

INQUIRER

DAKMA sa mall sa Fairview, Quezon City ang dalawang suspek na nahulihan ng P300,000 halaga ng high-grade marijuana. Ayon sa pulisya, mga notoryus na online seller ng droga ang dalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.