Bong hahatulan sa Dis. 7

Bandera - - FRONT PAGE -

HAHATULAN si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder sa Disyembre 7.

Ito ang unang kaso na magagawaran ng hatol mula sa mga kasong isinampa kaugnay sa pork barrel fund scam.

Nakasaad sa supplemental order na nilagdaan nina Sandiganbayan Justices Efren Dela Cruz, Geraldine Faith Econg, at Edgardo Caldona na gaganapin ang pagbasa ng hatol alas8:30 ng umaga.

Ayon sa kaso, nagkamal si Revilla at mga kapwa akusado ng P224.5 milyon mula sa pork barrel na napunta sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles.

Si Revilla ay nakakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.