Bagets dakma sa shabu, damo

Bandera - - FRONT PAGE -

PIITAN ang binagsakan ng 17-anyos na binatilyo na nahulihan ng 15 sachet ng marijuana at tatlong sachet ng shabu saPasayCity,kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya ng Pasay City Police ang suspek na itinago sa pangalang Daniel, residente ng Lakandula st., Brgy. 66, Zone 8. Ayon kay Senior Insp. Manuel Junior Taytayon, hepe ng intelligence section, sinita ng mga pulis ang suspek sa Lakandula st., alas-10 ng gabi. Maliban samfadroga, nakuhanan din ang bagets ng digital weighing scale at pitaka ng babae.—Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.