Oral sex sa PNPA

Bandera - - FRONT PAGE -

Marami na'ng napariwara at napahiya sa kayabangan. Sa smuggling sa Customs, ang mayayabang na sina Duterte at Aquino ay sinampal ng kahihiyan. Tila walang hiya na ang ating inihalal (di ko ibinoto sina Rody at Noy). Ang promosyon at papuri na ibinigay ni Duterte kina Faeldon at Lapena ay kahiyahiya, tulad ng hosana ni Aquino kay Abaya.

Para sa mga Customs reporter, noon at ngayon, balatkayo ang pagdinig sa Senado hinggil sa smuggling. Panahon pa ni Amang Rodriguez, ang mga mambabatas ang smugglers, by remote control. Ang paki ng mga senador at kongresista sa Customs, na may kapit sa

May puslitan din (bagaman ‘di malaki at garapalan) noong panahon ni Marcos, pero napipigilan ito ni Parayno. Nagalit si Marcos. Pero di agad nagdedesisyon si Marcos kapag galit (tulad noong tinaga si Imelda sa Nayong Pilipino). Lodi ni Digong si FM pero sablay ang Dabawenyo dahil nagdesisyon siya habang galit, sabay pagmumura.

Bakit ang nagbunyag ng smuggling sa panahon ni Duterte ay iniipit? Bumabalik ang administrasyon sa panahon ni Aquino. Nang ibunyag ng deputy customs commissioner ang paglaho ng 600 lata (containers), kinasuhan pa siya ng katiwalian kaya natanggal sa Customs. Baka makulong pa nga ang gumagandang si Mangaoang.

Mayabang pa rin si Pangitlinan kahit pabata nang pabata ang nasasangkot sa krimen, na karamihan ay sa barangay lang at di nababasa sa dyaryo kaya't hindi iniimbestigahan sa Senado. Dapat, pantay ang parusa sa bata't matanda. Sa South Carolina, nililitis ang 6-anyos at sa 35 states, 7-anyos ang pinapanagot sa kanilang krimen. Ang pangit ng batas mo, Pangitlinan.

Kung walang kamunduhan, ang oral sex sa PNPA, tulad ng ginagawa sa special agents (top spies) ng CIA at KGB, ay mataas na antas ng kasanayan (training). Sa CIA at KGB, ang babae ay tinuturuan (brainwash) na ituring ang oral sex, pakikipagtalik at foreplay bilang bahagi ng trabaho. Ito'y inilalarawan na simple skin contact. Pero, kapag tumibok ang puso ay iba na. Dahil wala pa ang AFP at PNPA sa mataas na antas ng kasanayan, ang oral sex ay demonyong kamunduhan.

Isang uri ng simple skin contact ay ang paghawak sa suso ng mga babae sa isang tribu may 20 kilometro mula sa Port Moresby City. Ang paghawak ng mga lalaking bisita sa kanilang mga suso, pati na sa mga asawa ng hari ng tribu, ay pagbati sa pagdating ng mga dayo. Kapag tinanggap ng babae ang paghawak sa suso, kikiligin sila. Ang mga lalaki sa tribu ay hubad din at ang tanging nakabalot ay ang kanilang laweet. Ang tanging ‘di humahawak sa suso ay mga paring nagmimisyon.

Sa mga inilathala hinggil kay Freddie Mercury, halos wala namang ipinagkaiba ang pelikulang Bohemian Rhapsody. Pinalakas lang ang drama, pero may saysay dahil kontra AIDS ito. Ang di mapasusubaliang katotoohan simula sa first century ng simbahan ay ang sariling laman ay kakainin ng uod ng ganid sa laman.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan): Sa kuko ng breast cancer, sakmal ng takot ang senior citizens. Wala silang cancer, pero dumarami ang may sintomas nito sa kanilang mga manugang, anak o apo. Sa stage 3-4, ang kuwenta ng gamutang medico ay P2 milyon-P3 milyon. Saan naman kukunin ng seniors ang ganitong halaga? Karaniwan ang mga senior ay pumapasan din sa gastos ng kapamilya.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Juan, Hagonoy, Bulacan): Dumarami ang nagrereklamo na di na raw kasya ang arawang suweldo. Ang isang masigasig sa reklamo ay halos wala namang naipundar na gamit sa bahay. Bakit noong kasya o higit pa ang kanyang suweldo ay di siya nagpundar ng gamit? Saan napunta ang sobrang kita? Bakit ‘di napag-ipunan ang pangangailangansa kinabukasan ng nag-aaral na mga anak? Ah, may videoke at alak.

PANALANGIN: Noli, Mater Verbi, verba mea despicere; sed audi propitia et exaudi. Amen

MULA sa bayan (0916-5401958): Di naman talaga sikat ang mga Pimentel dito. Hangga't maaga, kailangang malaman kung dapat pang kumandidato si Koko o hindi na . ... 8766, Besigan, Cagayan de Oro City

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.