Biyahe sa MRT giginhawa sa 2021

Bandera - - FRONT PAGE -

BABALIK na umano sa orihinal na kalagayan ang Metro Rail Transit 3 sa loob ng 26 buwan.

Ayon kay DoTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, magiging parang bago na muli ang MRT sa isasagawang rehabilitasyon dito ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

“After 26 months, diyan natin mararamdaman ‘yung buong pagbalik ng original condition ng MRT-3,” ani Batan.

Habang ginagawa ang pag-aayos ay mananatili umano ang operasyon ng MRT 3 na nakakapagsakay ng 350,000 pasahero kada araw.

Sa ikatlong quarter ng 2019 ay mararamdaman na umano ang pagluwag ng mga bagon dahil madaragdagan na ang bilang ng mga bumibiyaheng tren. Bibilis na rin umano ang takbo ng mga tren.

“Currently, we are running at 30 kilometers per hour, which we will increase to 60 kph. Our current headway o ‘yung pagitan sa tren is at 7 to 10 minutes. Bababa ‘yan to 3.5 minutes. And currently, ang tumatakbo nating mga tren na nasisira pa paminsan minsan ay 15 train sets during peak hours, iaakyat natin to 20,” dagdag pa ni Batan.

Kamakalawa ay lumagda na ang gobyerno at Japanese International Cooperation Agency para sa pagutang ng P18 bilyon na gugugulin sa MRT-3 Rehabilitation Project.

Kasama sa aayusin hanggang 2022 ang electromechanical components, power supply, rail tracks, depot equipment, at ang 72 Light Rail Vehicles na 18 taon na mula nang bilhin.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.