MAYMAY MAS TUMAAS ANG CONFIDENCE; MAY KA-LOOK ALIKE NA KOREAN MODEL

Dingdong kontra sa mandatory pregnancy test sa mga paaralan

Bandera - - FRONT PAGE - BY ERVIN SANTIAGO

ANG ganda-ganda ni PBB Lucky Season 7 big winner Maymay Entrata nang humarap sa entertainment press at bloggers para sa presscon ng bago niyang endorsement.

Blooming ang dalaga at model na model na talaga ang kanyang aura. Si Maymay ang kauna-unahang brand ambassador ng skincare line na Megan na ilang taon na ring namamayagpag sa market.

Ayon sa dalaga, mas naging confident siya ngayon dahil sa mga ineendorso niyang beauty products. Natutunan niyang mas mahalin ang sarili at mas maniwala sa kanyang kakayahan dahil na rin sa tiwala ng mga kumpanyang kumukuha sa kanya bilang endorser.

Mas conscious na rin siya ngayon sa kanyang itsura kaya talagang super maalaga na siya sa katawan, lalo na sa mukha at tamangtama raw ang pagdating ng Megan beauty stuff sa kanyang buhay.

"Since 'yung Megan Skincare Peel Off mask 'di naman po siya every day, ginagamit ko lang po siya once a week or twice a week. Kapag everyday naman po, hindi po mawawala 'yung moisturizer tapos toner. Minsan serum po. Pero paminsan-minsan lang po 'yun," ani Maymay.

Megan is a local skincare brand that takes care of Filipinas’ skin by keeping it clean.

Sa mediacon ng Megan ikinuwento ng dalaga kung paano siya natutong magmake up sa pamamagitan ng tutorial videos sa YouTube, kabilang na rito ang pagkakaroon ng Korean look na bentang-benta ngayon sa mga millennial.

"Nanonood po ako ng YouTube videos lalo na po kapag make-up tutorials kasi ngayon talaga gusto ko marunong na ako magmake-up kasi madami po nagsasabi sa akin na, 'Kailangan mo 'yan kasi public figure ka na' kasi dati po wow.

"Tapos ngayon dahil nga po sa make-up tutorials, ang dami kong natutunan. Tapos mahilig din po ako sa mga Korean style sa mukha. Hindi naman po masyado. Konti lang. Tapos 'yung iba naman mas natural lang. Gandang natural," chika pa ni Maymay sa presscon ng Megan.

Natanong nga ang dalaga kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing malaki ang pagkakahawig niya sa kilalang Korean model na si Jung Eun Kim na may handle name sa Instagram na @bboggooo.

"Siyempre naa-appreciate ko po 'yung mga sinasabi nila. Nakakataba sa puso. Pero para sa akin mas maganda siya. Pero maraming-maraming salamat sa lahat ng nagsasabing kamukha ko siya," pa-humble na tugon ng ka-loveteam ni Edward Barber.

Sobrang thankful si Maymay sa mga taong nasa likod ng Megan dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang first ever endorser nila. #MegandaSiMayMay is the campaign name of Megan.

"With a witty nature, a caring attitude, and a personality that radiates confidence, Maymay surely embodies the brand Megan, a brand which name stands for strong, capable, practical and true to one’s self- qualities Megan and Maymay share.

"Megan stays true to its mission of taking care of Filipinas’ skin by stressing the importance of a clean skin that can easily be achieved with Megan’s facial skin care products that leaves your skin free of blackheads, whiteheads and skin impurities for a cleaner skin that brings out the natural beauty of Filipinas," sey ng mga taga-Megan.

Available na ang Megan sa leading drug stores and department stores nationwide.

Kinontra ni Dingdong Dantes ang mandatory pregnancy test sa Pines City College sa Baguio City.

Ayon sa nasabing kautusan ng PCC, “Pines City Colleges abides by its policy of pregnancy tests for female students who are enrolling in any subject that would endanger both mother and child. It is a policy agreed to by our students upon their enrollment in this institution.”

Opinyon naman ni Dingdong, ang nasabing polisiya ay, “concrete violation of the basic right to privacy and of the Magna Carta for Women.”

“Imposing enrolment limitations and sanctions to noncompliant students found out to be pregnant are discriminatory.

“I hope that the school management will review the implications of the said memorandum, and I support the Commission on Higher Education along with other women rights advocates who are looking into this case.

“I also hope that the National Youth Commission @NYCPilipinas will follow suit especially that this concerns young women.” MALAKAS ang panawagan ng netizens na pabalikin daw si Sarah Lahbati sa Eat Bulaga.

Umingay muli ang pangalan niya nang kunin siyang guest co-host ng noontime show dahil naging visible na nga uli sa TV ang partner ni Richard Gutierrez.

Nang isahog siya kina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros sa Juan For All! All For Juan segment sa barangay, nag-swak din siya sa dalawa.

Hindi kami nakakapanood ng EB recently kaya nagulat kami nang sunudsunod ang panawagan ng followers ni Sarah na pabalikin na siya sa Eat Bulaga.

Eh, nang may magtanong kay Sarah sa Twitter kung babalik pa ba siya sa noontime show ng GMA, ang naging reply niya ay, “Aw...Hindi ko pa alam,” na sinamahan niya ng heart at praying emoticons.

Buntis na nga si Cora Waddell, ang leading lady ni Christian Bables sa upcoming Regal movie na "Recipe For Love."

Unang movie ni Cora ang "RFL" at natagalan nga bago ito ipalabas. Bulung-bulungan nu’ng simula na nagpakasal na si Cora at ngayon nga ay buntis na.

Lumutang ang commercial model sa grand mediacon ng movie pero larawan siya ng kaligayahan sa kalagayan niya ngayon. Ayon sa future

Sinagot ni Sheena Halili ang netizen ang kumuwestiyon sa kanyang pagiging Kristiyano nang dahil lang sa kanyang swimsuit photo sa Instagram.

Sabi ng basher, “I know you are a Christian Sheena, what happened to you?... a bit disappointed here. I hope you open your eyes and go back to the Lord."

Ito naman ang resbak t pa so. nanghuh masama 'yung hal at pinakik para palakasin para iparamda rap mabuhay.” “Christian know my limit ng ginagawa ko na rin ng pare

Jung Eun Kim MAYMAY ENTRATA

CORA WADDELL AT CHRISTIAN BABLES

SHEENA HALILI

SARAH LAHBATI

DINGDONG DANTES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.