Balat ng patatas, pwede pa!

Bandera - - HEART 2 HEART -

HABANG maraming paraan para pakinabangan ang patatas, mula sa pagiging sahog sa iba’t ibang masasarap na putahe hanggang sa pagiging all time favorite snack ng karamihan gaya ng fresh fries at potato crisps, alam ba niyo na beneficial din ang pinagbalatan nito?

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi dapat itapon ang pinagbalatan ng patatas at mga maaaring gawin dito. Fertilizer

Sobrang healthy ng patatas hanggang sa balat, kung ayaw mo naman itong kainin ay maiging gawing fertilizer. Isama siya sa compost pit nang maging nutrients ng mga halaman. Hair Treatment

Tumutulong ang pinagbalatan ng patatas para mas humaba ang buhok at gawin itong shinier at luster.

Dikdikin hanggang sa lumabas ang juice ng balat ng patatas. Masahihin ito sa anit sa loob ng 15 minuto at ibabad ng 15 minuto pa bago banlawan. Tiyak na gaganda ang tubo ng iyong buhok.

Skin Whitening

Gaya ng calamansi, lemon, at iba pang citrus fruit, ang balat ng gulay na ito ay mayroong properties na nakakapagpaputi sa balat at nakatutulong para matanggal ang uneven skin tone.

Gamit ang balat ng patatas, ipahid ang loob na parte nito sa kutis at siguraduhing mamasamasa pa ito para sa mas kaaya-ayang resulta.

Maaari ring maghalo ng lemon juice na makakapagpabilis ng proseso kapag pinaghalo ang dalawa na may parehong skin bleaching properties.

Hayaang manatili ang juice sa balat hanggang matuyo ito bago banlawan.

Gawin ito araw-araw para sa mas kaaya-ayang resulta.

Jefferson Betaizar,

trainee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.