‘Drug group nasa likod ng pag-atake sa pulis’

Bandera - - FRONT PAGE -

PINAG-IINGAT ni Philippine National Police chief Director Gen. Oscar Albayalde ang kanyang mga tauhan laban sa bwelta ng mga sindikato ng droga kasunod ng sunod-sunod na pagpatay sa ilang opisyal ng pulisya.

Sa panayam, sinabi ni Albayalde na may kaugnayan sa iligal na droga ang pag-atake sa ilang mga pulis sa nakalipas na mga araw.

Noong Huwebes ng gabi ay tinambangan ng ridingin-tandem si Supt. Edgar Cariaso sa Caliraya st., sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Bagaman naka-assign na sa Internal Affairs Service (IAS), si Cariaso ay dating nakasama sa mga anti-illegal drug operations.

Ang IAS ang nagiimbestiga sa kaso ng ilang police scalawags.

Noong Miyerkules ng gabi ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa V. Luna st., sa QC pa rin, si P03 Rufino Gabis.

Droga rin ang dahilan ng pagpatay sa nasabing pulis ayon kay Albayalde.

Aminado naman ang opisyal na mayroong mga pulis na sangkot sa iligal na droga at ito umano ang hinahanapan nila ng solusyon sa kasalukuyan.

Kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng pabuya ang mga pulis na makakapatay ng kanilang mga kapwa alagad ng batas na sangkot sa iligal na droga. — Radyo Inquirer NAPATAY ng mga pulis ang isang barangay kagawad ng Alimodian, Iloilo, Biyernes ng hapon, matapos niya umanong barilin at masugatan ang isang alagad ng batas.

Napatay si Ritchel Misare, kagawad ng Brgy. Pianda-an, nang manlaban sa mga pulis na tumugis sa kanya, ani Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Bago ito, dakong alas-2 ng hapon, binaril ni Misare si PO3 Jonathan Guzman sa naturang barangay, ani Malong.

Nagsagawa si Guzman ng surveillance operation laban sa kagawad at nang pabalik na sa istasyon ay pinaputukan ng huli at tinamaan sa kaliwang hita, aniya.

Dahil dito ay nagpakalat ng tauhan ang Alimodian Police, Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion, at iba pang police unit para hanapin ang suspek.

Natunton si Misare sa Brgy. Pianda-an East, naa bahagi ng katabing bayan ng Maasin, ngunit nang makita niya ang mga pulis ay bigla siyang bumunot ng baril at nagpaputok, ani Malong.

Narekober sa suspek ang isang kalibre-.9mm pistola na may tatlo pang bala, habang nakuha sa pinangyarihan ang isang kal.-.9mm basyo at dalawang basyo ng M16 rifle. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.