MRT walang taas-pasahe

Bandera - - FRONT PAGE -

WALANG plano ang Department of Transportation (DoTr) na itaas ang pamasahe sa Metro Rail Transit (MRT) 3 habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa sistema.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan na nakatuon ang atensyon ng ahensya sa pagpapaganda ng serbisyo ng MRT3.

“That is not even in the horizon for us at this point,” ani Batan. “Mariin na instruction ni Secretary Tugade na hindi tayo mag-i-increase ng anumang pasahe hangga’t hindi nararamdaman ng ating mga commuters ang improvements sa services ng MRT-3.”

Noong Enero 2015 ay itinaas sa P11 ang base fare ng MRT at dagdag na P1 kada kilometrong biyahe.

Pumasok sa P18 bilyong loan agreement ang gobyerno at Japan para mapondohan ang rehabilitasyon ng MRT na tatagal hanggang 2022. May 18 taon nang nagooperate ang MRT.

Ang MRT ay may habang 16.9 kilometro mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City.

May average na 350,000 pasahero ang sumasakay sa MRT arawaraw. — Leifbilly Begas

MB

ISA ang fluvial parade sa Ilog Pasig sa mga events para sa selebrasyon ng ika-87 Pistang Daluyong ng siyudad ng Mandaluyong na pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos. Panalo rin ang field demonstration competition ng mga elementary pupils mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.