Wannabe no show na, siniraan pa organizer

Bandera - - FRONT PAGE -

DA who ang isang nagaambisyong maging pulitiko na nagkansela na nga ng kanyang napangakuang imbitasyon, siniraan pa ang organizer sa iba?

Ewan kung saan humuhugot ng kumpiyansa sa sarili ang wannabe na pulitiko na ito dahil kahit hindi alam ang background nito, feeling napaka-angat sa kanyang kapwa.

Bago pa kasi maimbitahan ang wannabe na tinutukoy ko, hindi na maganda ang rekord nito sa publiko.

Ngunit dahil nga nag-aambisyong maging pulitiko, naimbitahan siya sa isang programa.

Agad nagkumpirma ang wannabe na dadalo.

Nakaayos na ang lahat at oras na lang ang binibilang nang sabihin ng wannabe na biglaan na nagkaroon siya ng emergency.

Siyempre, kahit plantsado na ang lahat, walang nagawa kundi ikansela ang nakatakdang programa.

Hindi pa nasiyahan ang maangas na wannabe, isang araw matapos na hindi siputin ang naoohang imbitasyon, siniraan pa niya ang organizer ng event.

Ang hindi alam ni wannabe, isa sa kasama sa group chat ay konektado sa organizer.

Maangas si wannabe dahil siya ang ginamit para sa isang operasyon kayat parang langaw na nakatuntong sa ibabaw ng isang kalabaw.

Gusto nyo ba ng clue? Ewan kung talagang hindi kasama si wannabe sa row four noong nagaaral pa siya dahil feeling kasi niya angat siya sa iba.

Lagi rin itong nakabuntot sa isang kilalang VIP para magamit niya ang koneksyon nito.

Minsan ay nagpadinner ang VIP sa isang grupo na dati niyang nakasama, laking gulat ng mga dumalo kung bakit present ang wannabe.

Feeling close pa ito sa mga naimbitahan dahil talagang nakikisalamuha pa.

Ang siste, balak pala nito na pumasok ng politika kayat gustong makilala.

Kaya markado na ang wannabe sa pag-uugali nito na feeling angat sa kanyang kapwa.

Alam nyo na ba ang tinutukoy ko? Isa pang clue, nagpapakilala siya na matalino. ‘Yun na!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.