TF ni female singer katumbas na ng 3 mag

Bandera - - FRONT PAGE - BY JUN N

SINENTRUHAN sa isang umpukan ang isang magaling kumantang female singer na napakatagal na sa mundo ng musika pero kung bakit parang ayaw umusad-usad ang singing career.

Basta nandiyan lang siya, pakanta-kanta, pahura-hurado sa mga singing contest, may concert din paminsan-minsan, pero hanggang du’n lang siya.

Pagpansing chika ng aming source, “E, napakatagal na niyang singer, pero naunahan pa siyang sumikat ng mga nahuling nadiscover kesa sa kanya!

“Pumako na sa ganyan lang ang singing career niya, e, magaling naman siyang kumanta. Ano nga kaya ang dahilan at hanggang ganyan na lang siya?

“Pa-guest-guest na lang siya, panghalo sa marami, e, kayang-kaya niya namang mag-concert kung tutuusin dahil magaling naman talaga siya!” umpisang chika ng aming impormante.

Sa mundo ng mga show promoters ay may kuwento tungkol sa female singer. Mabait naman daw siya, pero may problema sa pakikipagtransaksiyon sa kampo niya, heto ang kuwento.

“Kung makapag-quote kasi ng talent fee ang father niya, e, parang ginto ang ibinebenta nila! Marami nang nag-try na makuha siya sa mga shows, pero grabe namang maningil ang tatay niya!

“Presyong parang ayaw namang ibigay ang ginagawa ng tatay niya na manager din niya. Isang fiesta lang ang kakantahan, towering na ang talent fee niya?

“Gusto rin sana siyang isama sa mga shows sa ibang bansa ng mga show producers, pero sa kanya pa lang, e, tagilid na ang bangka ng mga namumuhunan dahil sa taas ng presyong hinihingi ng father niya!

“‘Yung presyong ‘yun, e, katumbas na ng tatlong magagaling na performers, sa totoo lang! Bakit mo pa siya kukunin kung ganu’n kataas ang TF niya?

“E, di du’n na nga naman sila sa kilalang-kilala nang singers kesa sa kanya na flat na flat ang appeal sa manonood! Sa totoo lang, magaling siyang kumanta, pero wala siyang arrive, wala siyang dating sa publiko!

“Naku, maglagay muna siya ng apelyido para magkadating ang name niya, ‘no! Ang taas-taas maningil ng father niya, e, hindi nga kumpleto ang name niya?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday na miyembro ng Team Ngangey sa pa-raffle ng CFM, alam na this! Kilala n’yo siya.

Ilalabas ng mag-asawang

Siguradong malungkot din ngayon si Vice Ganda, nakikisimpatya siya sa kalungkutan ni Calvin Abueva, dahil nalaglag sa semifinals ng PBA ang team ng basketball player nang talunin sila ng Meralco Bolts.

Todo pa naman ang suporta ng sikat na komedyante-TV host sa Phoenix

Right timing ang hinihintay nina Dong at Yan para isapubliko ang gender ng anak. Pero kahit hindi pa lumalabas ang baby eh, itinatanim na nila sa isip ni Zia na magiging ate na siya.

Bago ang gender reveal, susuporta muna si Marian sa project ng asawa na The Color Run PH na magaganap sa Nov. 18. Pati ang bagong Kapuso series ni Dong na Cain At Abel ay ipinopromote na rin niya.

Komo buntis, time out muna si Marian sa paggawa Fuel Masters ku pambatong player na maromansang ang kanyang p ngayon.

Kahit sobrang Vice sa ginagaw pelikula para sa M sa pagho-host sa I time ay niraramb niya ang kanyang ng soap opera endorsements tinanggap niya.

Just recentl siya ng kontrata Spa sa ikaapat bilang brand am

g

na Lloy ding-hind limutan ang v na tumayong Kapamilya sitco Sweetie Home.

Isang vid ipinost ni John kung saan m phonograph at ng singer. Ma

MAINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.