Bong Revilla hahatulan ngayon

Bandera - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

IBABA ng Sandiganbayan First Division ngayong araw ang hatol sa kasong plunder ni dating Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.

Alas- 8: 30 ng umaga itinakda ng korte ang pagbasa ng hatol kay Revilla at mga kapwa akusado nito na si Richard Cambe, ang kanyang chief of staff, at Janet Lim Napoles.

Si Revilla ay inakusahan na tumanggap ng kickback mula sa mga pork barrel fund na inilagay nito sa mga bogus na nongovernment organization ni Napoles.

Nagsimula ang pagdinig ng kaso Hunyo 2017 at nagtapos Agosto 2018.

Itinanggi ni Revilla ang mga alegasyon at kam- pante na iabsuwelto siya ng korte.

May hiwalay na kinakaharap na plunder case sina dating Sen. Jinggoy Estrada, dating Sen. Juan Ponce Enrile, dating Association of Philippine Electric Cooperatives Rep. Edgar Valdez at Masbate Rep. Rizalina SeachonLanete.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.