LEA TINAWAG NA IDIOT ANG ILANG NANOOD NG BROADWAY MUSICAL NA ‘WAITRESS’: NAKAKAHIYA KAYO!

Dingdong ‘relate’ sa mga bagets ng ABS-CBN

Bandera - - FRONT PAGE -

NAAALALA ni Dingdong Dantes ang kanyang kabataan kapag nakikita at nakakausap ang tatlong pambatong Kapamilya loveteams na kasama nila sa pelikulang "Fantastica".

Ang tinutukoy ni Dingdong ay sinaMaymay Entrata at Edward Barber, Donny Pangilinan at Kisses Delavin, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

“Personally, natutuwa ako kapag napapanood ko iyong tatlong love teams habang nagtatrabaho kami, kung gaano sila ka-close sa isa’t isa,” kuwento ng Kapuso PrimetimeKing sa nakaraang presscon ng "Fantastica", ang official entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2018 MMFF.

“Kasi siyempre, naalala ko noong bata ako, di ba, na sa loveteam din nag-umpisa. Nakakatuwa how they are towards each other, and how they are sa mga tao sa paligid nila. Nakakakuwentuhan namin.”

Ayon pa kay Dingdong, espesyal para sa kanya ang "Fantastica" dahil first time niyang makakasama sa pelikula sina Vice Ganda at Richard Gutierrez plus reunion pa nila ng award-winning actress na si Jaclyn Jose, “So, tama nga, e. Hindi siya porke Kapuso, Kapamilya, Kapatid, basta para sa Pasko, ibibigay namin lahat para sa lahat ng audience.”

Iikot ang kwento ng "Fantastica" kay Bellat (Vice) na nagnanais buhaying muli ang kanilang perya, ang "Perya Wurtzbach," upang maisalba ito sa pagkalugi. Ang perya ay nagsisilbi rin niyang tahanan kasama ang inang si Fec (Jaclyn), at mga itinuring na kapatid na sina Daks (Ronnie), Pepe (Edward) at Junjun (Donny).

Ngunit dahil sa mga utang, tataningan ni Dong Nam (Dingdong), na dating matalik na kaibigan ni Bellat, ang kanilang pananatili sa lupain kung saan nakatayo ang perya, hanggang sa dumating ang dating kaibigan na si Prince Pryce (Richard).

Hihingi ito ng tulong para hanapin ang mga nawawalang prinsesa mula sa kanilang lugar, ang "Fantastica," kapalit nang pagtulong nitong buhaying muli ang perya. Ang mga prinsesa ay sina Rapunselya (Loisa), Maulan (Maymay) at Ariella (Kisses).

Sa kanilang paghahanda sa pagbalik sa "Fantastica," matutuklasan ng bawat isa na kailangang mabuksan ang lagusan at magagawa ito sa pamamagitan ng paglikom ng sampung libong "palakhak" (palakpak at halakhak).

Malilikom ang mga "palakhak" sa pamamagitan ng pagpapalabas ng "The Perfect Show" kung saan minsang nakilala ang "Perya Wurtzbach."

Magagawa kaya ito ni Bellat kasama ng pamilya at mga kaibigan para maisalba ang perya na tinatawag nilang "happiest place on Earth?" The universe rather!

Showing na ang "Fantastica" sa Pasko, Dec. 25 sa mga sinehan sa buong bansa.

Na-bad trip ang international Filipina singer na si Lea Salonga sa ilang taong nanood sa Philippine run ng Broadway musical na "Waitress" na pinagbibidahan ni Joanna Ampil. As in tinawag niyang mga "idiot" ang mga ito.

Sa kanyang Twitter account ibinandera ni Lea ang kanyang pagkaimbiyerna, "Haaaaaaay, you idiotic photo takers breaking the rules at #WaitressMNL. Nakakahiya kayo. The head usher has taken screenshotsof youraccountsand corresponding photos (one in particular had the gall to use the official hashtag). Talino."

Sumang-ayon naman kay Lea ang ilang netizens na nanood din ng play, tulad ni @dreagnes na nagsabing, "While the ushers were constantly saying that taking photos isn't allowed in the theatre, the person sitting beside me (which I believe is in her late 30's- early 40's) was taking a photo of the stage & even posted it in her stories! I staredatherfora while pero wala pa rin, eh.

"This happened during Wait ress' closing day's matinee. She was doing it while the ushers were loudly reminding everyone. Nakakahiya talaga."

Naglabas ang Twitter Philippines ng official list ng most tweeted about Filipino celebrities, loveteams, teleseryes, movies, Filipino athletes, sports hashtags at top 10 hashtags in the country para sa 2018.

“Whatever happens, it happens on Twitter. As 2018 bids farewell, Filipinos have proven that Twitter is the go-to platform to see #WhatsHappening in Pinoy entertainment scene,” ayon sa Twitter PH.

Ang MayWard loveteam ang pumangalawa sa most tweeted about loveteam at ikatlo naman ang DonKiss. Number one pa rin ang AlDub ninaMaineMendoza at Alden Richards.

Pasok din sa most tweeted Filipino celebrities sina Maymay, Edward, Kisses, Loisa, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Numberoneparinsa listahan si Maine.

Narito ang comment ng Phenomenal Star sa inilabas na report ng Twtter PH, “Waoah there!!! Thank you guys!”

Samantala, sa online poll naman ng isang entertainment blog para sa Sexiest Man in the World 2018, pasok sa Final Battle si Alden dahil siya ang ikaanim sa listahan.

Kalinya lang naman niya sina Chris Pine (USA), Jungkook (Korea), Krist Perawat (Thailand), Kai (Korea) at Pietro Roselli (Italy). Ang four channels na ginamit sa botohan ay on line, Twitter, Instagram at Facebook.

Pasok naman si Angel Locsin sa panlasa ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga aktres na hinahangaan niya.

Ibinida ito ng retiradong heneral nang makausap ng ilang entertainment press nitong nakaraang araw.

Ayon pa sa dating PNP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.