Zsa Zsa tuluyan nang nag-resign na si ASAP

Bandera - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

“ON his way to St. Lukes now.” Ito ang sagot sa amin ng isang source kahapon nang hingan namin ng update tungkol kay Jericho Rosales na tinamaan ng dengue.

Matatandaang dinala s a ER si Echo pagkatapos nang grand presscon ng pelikulang "The Girl In The Orange Dress" nitong Martes dahil apat na araw na pala siyang nilalagnat.

Hindi kinailangang iconfine ang aktor kaya pinauwi siya at pinagpapahinga ng dalawa hanggang tatlong araw bago siya ulit magpapaCBC (complete blood count).

Iisa ang panalangin ng lahat na sana’y tumaas na ang platelets ni Echo dahil delikado nga ang dengue.

Kuwento naman ng Quantum Films producer na siAtty. Jojie Alonso ay, "Praying for himto be better. Napaka-treacherous ng dengue. Hindi lang siya nagpahalata but ang init niya no’n. Nagulat ako when I touched his forehead. Sobrang taas ng respeto niya sa press. Ayaw niyang mag-absent sa presscon.”

Sinubukan din naming kumustahin ang aktor sa kanyang Instagram account pero hindi pa niya kami sinasagot.

Anyway, sa grand presscon nga ng "The Girl In The Orange Dress" ay tinanong si Jericho kung "nailang" ba siya sa kissing scenes nila ni Jessy Mendiola dahil nga kaibigan niya ang boyfriend nitong si Luis Manzano.

“Of course, but it all falls under respect. I think Luis would understand that hindi naman siya ‘yung parang bago na or hindi naman siya pulitiko na hindi niya maiintindihan at normal na tao naman siya para hindi niya maintindihan.

“But I do respect obviously all my leading ladies, I don’t wanna feel at the end of the day na I took advantage of something or someone, huwag naman ganu’n,” pahayag ng aktor.

Nalaman din namin na kapag wala pala sa harap ng camera si Echo ay mabutinting siya sa bahay nila.

“I do miss being normal na tao, I experienced that when I come home. Pag-uwi ko walang mga toro-torotot at confetti. I’m a normal person, I’m a husband, pet master, I clean the garage, I cleanmy room, I clean everything. I do enjoy those moments that’s why I really miss a lot,” kuwento ng hubby ni KimJones.

Mapapanood na ang "The Girl In The Orange Dress" sa Dis. 25 na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival ng Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions.

Ilang linggo nang pinaguusapan ang pagkawala ni Zsa Zsa Padilla sa bagong reformat na ASAP na naging ASAP Natin ‘To.

Maymga nagsabing hindi na talaga kasama ang TV host-singer-actress sa programa pero depensa naman ng isang taga-Dos ay ang Divine Diva raw mismo ang hindi sumipot sa nakaraang launching nito tatlong linggo na ang nakararaan.

Hanggang sa nalaman naming nag-resign na pala talaga si Zsa Zsa sa show dahil may bago na siyang pinagkakaabalahan, ang pag-aasikaso ng itatayong farmnila ng fuure husband niyang si Conrad Onglao.

At dahil wala namang nakakausap si Zsa Zsa sa entertainment media ay sumakto na nakatsikahan namin ang panganay niyang si Karylle Tatlonghari-Yuzon sa launching ng Christmas single nila ng Indonesian singer na si Jeremy Calvin na may titulong, "It’s Christmas Time."

Sinimplehan namin ng tanong It’s Showtime host kung kumusta na ang mama niyang si Zsa Zsa at mabilis naman kaming sinagot ng, “She’s good.”

Sundot namin kung napag-usapan ba nila ang tungkol saASAP, tinitigan muna kami ng TV hostsinger sabay tawag sa kanyang publicist na si Gian Carlo Vizcarra para bantayan kami. Hahahaha!

Say ni Karylle sa amin, “Kinorner mo talaga ako. It’s Chrismas time!”

Hirit naman ni Gian sa amin, “Alam mo, nu’ng wala ka pa, hindi naman ako hinahanap ni K (palayaw ni Karylle), nu’ng dumating ka bigla akong hinanap. Ano na naman ba pinagtatanong mo?”

Anyway, malumanay pa ring sinagot ni Karylle ang mga tanong namin tungkol sa kanyang ina at inamin niyang napag-usapan daw nila ang tungkol sa ASAP.

“Siyempre naman, close kami no? Ha-hahaha! My mom always have me. Nothing is final, so I can’t really say anything right now. Wait-wait lang tayo,” pahayag pa ni K.

Bukas, abangan ang iba pang issue na napag-usapan namin ni Karylle.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.