Arjo, Ria ipaglalaban ang kalikasan sa ‘MMK’

Bandera - - FRONT PAGE -

PAKIKIPAGLABAN sa ngalan ng kalikasan at kapakanan ng pamilya ang papasukin ng magkapatid na Ria at Arjo Atayde bilang sina Rosedel at Armin, sa kauna-unahan nilang pagsasama sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Dec. 8).

Hindi na mapaghiwalay sina Rosedel at Armin simula pa noong musmos at lumaking puno ng pagmamahal sa pamilya at sa magandang lalawigan ng Sibuyan sa Romblon. Sumumpa sila na pakaiingatan ang lugar at paglilinangin ang Sibuyan hanggang sa kanilang paglaki.

Makakapag-aral sila ng kolehiyo saMaynila, at dito nila lalong naikumpara ang likas na ganda ng lalawigan at kung gaano sila kaswerte rito. Labis ang tuwa ng mga magulang nilang sina Domeng ( Ernie Garcia) at Titing ( Tetchie Agbayani) lalo na ng nakatapos ang mga anak ng Commerce at Civil Engineering.

Ngunit maagang mabubuntis si Rosedel kaya magkakaroon ng tampuhan ang magkapatid dahil sa maagang pag-aasawa nito. Maiiwan si Rosedel sa Maynila at uuwi naman si Armin sa Sibuyan.

Hanggang sa pagdating ng isang matinding pagsubok – isang malaking minahan ang bubulabog sa tahimik na pamumuhay ng kanilang bayan. Unti-unti nitong mapipinsala ang likas na yamanng Sibuyan na ipagsasawalang-bahala ng iba dahil sa suhol na pera.

Iiral ang pagmamahal sa kalikasan at sa bayan niArmin at lalabanan ang malaking minahan sa gitna ng panganib at pananakot. Dito magkakaroon ng pag-aalinlangan si Rosedel at hahayaan ang kapatid na lumaban mag-isa kahit na isinisigaw ng puso na pangalagaan ang tanging yaman na mayroon sila sa Sibuyan. Ngunit may darating na malaking pagsubok na siyang pupukaw sa kanya.

Magkakaayos pa kaya ang magkapatid na Rosedel at Armin? Tuluyan na bang masisira ang likas na yaman ng Sibuyan?

Kasama rin sa MMK episode na ito sina AlexMedina, Angelo Ilagan at Jacqui Leus, sa direksyon ni Giselle Andres at sa panulat nina Jaymar Santos Castro at Arah Jell Badayos.

Panoorin ang longestrunning drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

ARJJO ATAYDE AT RIIA ATAYDE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.