Pulis-HPG, armado patay sa shootout

Bandera - - FRONT PAGE -

NASAWI ang miyembro ng PNP Highway Patrol Group at isa pa ang nasugatan nang makipagbarilan sa isang lalaki sa Cagayan de Oro City. Napatay din ang gunman.

Ani PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana, napatay si SPO1 Sergs de Constantine Maceren, miyembro ng Special Operations Team ng Regional Highway Patrol Unit-10. Sugatan ang buddy niyang si SPO2 Lyndie Baltazar.

Naganap ang insidente The sa tapat ng isang gasolinahan at convenience store saMasterson ave., Brgy. Carmen.

Kapapara lang noon nina Ma ce ren sa isang Hyundai Accent sedan na may nakakabit na "improvised" na plaka.

Pinaputukan ng driver ng M4 assault rifle sina Maceren at Baltazar habang palapit sa kanya.

Dahil dito at gumanti ang mga pulis at napatay ang driver, na sa huli'y nakilala bilang si Abdulrahim Batawi Adilao, ng Mabalacat, Pampanga. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.