JULIE ANNE, THE CLASH FINALISTS NAGPAKITANG-GILAS SA HARAP NG PRESS

Imee umaasa pa bang babatiin ni Kris?

Bandera - - FRONT PAGE - BY RONNIE CARRASCO III

WE’RE no frequent invitee to events, pero nakaka-touch na so far we’ve been getting invites of both presscons (of certain MMFF entries) and Christmas press parties.

But much as we’d like to attend such events, dusa ang forever na yatang lumbar problem namin na ayaw kaming lubayan like a shadow which follows us everywhere we go.

Pero may nakakatawa kaming kuwento, nitong Miyerkules lang ito when we received a text invite sapressparty ng Star Magic (na every other year lang yata kami naaalalang imbitahan). Kulay puti ang inirequire nilang outfit ng media.

‘Kaka-touch na nabuhay sa kamalayan ng talent arm ng ABS-CBN ang aming existence. But again, because of our mobility problem ay tinabla namin ang before lunchtime na event.

Last Tuesday ay lagare ang members ng entertainment press dahil sa magkasunod na events: presscon ngMMFFentry ni Vice Ganda atGMAChristmas media party.

Ilang tumbling lang ang layo ng dalawang venue sa isa’t isa. But any media member could imagine ang pagmamadali ng press mula kayVice to make a speedy segue to the GMA studio.

Ayon sa nakalap naming tsika, VG’s presscon wasn’t the typical come one-come all event. Bukod sa limitado rawang bilang ng media attendees, maging ang ipina-raffle ay limitado rin.

The gay TV host-comedian parted with P100,000 (puwera ‘yung tigpi-P50,000 nina Richard Gutierrez at Mr. Danteswho are in the cast). Napapayatan ang ibang mga kabaro sa ipinamahagi ni Vice Ganda.

VG had to thank GMA for. May dahilan nga naman na madaliin if not i-cut short ang kanyang presscon to give the media a chance to attend the Kapuso party.

Samantala, ang inyong lingkod was the first to arrive at our former home network. Minarkahan na kasi namin sa aming kalendaryo ang araw n g Martes.

Kapa g nagpa - party kasi ang GMA, to us, ‘yun ang totoong party where adults gather. May walwalan kasi. Oo nga naman, may party ba ng mga may-edad nang walang isine-serve na nakakabangenge?

But our rare appearance generally at GMA events noong Martes na ‘yon was one of discovery as far as the station’s artists are concerned. In many parts of the program ay nagtanghal ang mga ipinagmamalaking singer ng istasyon led by Julie Ann San Jose.

Ang apat na pares na ‘yon are the main attractions ofGMA’s Studio 7, ang Saturday musical variety show nila. In fairness, hindi naman pala kalakihan ang naiwang vacuum ni Regine Velasquez when she bolted out of GMA.

But unlike the GMA press part i e s noon, wala ka - ming narinig na pangalan ng mga bigname Kapuso artists who pitched in their raffle share.

Too late the hero(ine) itong si Imee Marcos na todo-puri kay Kris Aquino for the latter’s participation in the Hollywood film "Crazy Rich Asians."

Nasa time warp yata si Imee dahil matagal nang naipalabas ang pelikula, pero ngayon lang niya napansing naroon pala ang isang miyembro ng angkan namortal na kaaway ng kanyang pamilya?

So, what did Imee hope to achieve sa kanyang adulation/admiration kay Kris? Ang ibaon na sa limot ang kung anumang political issues between their families, ganu’n na lang ba ‘yon?

Speaking of forgiveness, eh, kung ang mgaMarcos na nga mismo’y walang pagpapatawad sa kanilang mga sarili sa mga injustices at atro- cities na ginawa nila noon, do we expect Kris (and the Filipino people in general) to practice the virtue?

Kaloka ka, Imee! For once, huwag ka nang dumagdag sa dumaraming kapekean sa mundo, ‘no!

JJULIIE ANNE SAN JJOSE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.