RELASYONG MAINE-ARJO NASA 'GETTING TO KNOW EACH OTHER' STAGE PA LANG

Kris ibinandera ang matataas na grade ni Bimby; 5'9 na ang height

Bandera - - FRONT PAGE -

INAMIN ng Phenomenal Star na si MaineMendoza na nasa "getting to know each other" stage pa lang sila ni Arjo Atayde.

Sa grand presscon ng 2018 MMFF entry nila nina Coco Martin at Vic Sotto na "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" kamakalawa, sinabi ng Phenomenal Star na magkaibigan lang sila ni Arjo. Kasama rin ang aktor sa pelikula pero hindi ito naka-attend sa ginanap na mediacon.

Marami ang nakapansin na blooming ngayon si Maine kaya may nagtanong sa kanya kung bakit ang ganda-ganda niya ngayon, “Siguro, masaya ako.” Na sinundot pa ng question kung happy din ba ang puso niya? “Oo,” diretsong tugon ng Dubsmash Queen.

At tungkol nga sa estado ng relasyon nila niArjo na napapabalitang nanliligawdawsa kanya ngayon, “Friends kami. We’re going out as friends.”

Dugtong pa ng EatBulaga host, “Getting to know each other first. Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”

Kinumusta rin ng press sa kanya si Arjo, “Okay naman siya. Tanungin niyo siya.” Kasabay nito, sinabi rin ni Maine na mas napi-feel na niya ngayon ang freedom bilang isang celebrity at bilang isang tao.

"Nagagawako na rinyung mga gusto kong gawin bilang tao at bilang artista,” aniya. Kaya nga sobrang nagpapasalamat siya kina Bossing at Coco dahil siya ang napiling isama sa "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" sa dami ng mga artistang babae ngayon.

Ayon kayMaine, hindinghindi niya makakalimutan ang experience niya sa "Jack Em Popoy" dahil napakarami niyang natutunan kina Bossing atCocolalo na sa timing sa comedy at pagbabato ng punchlines.

Showing na ito sa Dec. 25 bilang official entry sa 2018 MMFF mula sa CCM Film Productions, APT Productions at M-ZET Productions sa direksiyon ni Mike Tuviera. Kasama rin sa movie sina R y z a Cenon, Ma rk L apid, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, Wally Bayola , Jo s e Manalo at Paolo Ballesteros.

Libu-libong likes at comments ang nakuha ng Instagram post ni Kris Aquino tungkol sa performance sa school ng bunsong anak na si Bimby.

Ibinandera ng proud mommy ang matataas na grades ni Bimby sa IG para sa 1st quarter ng 2018. Nasa grade 6nangayonangbagets saedad na 11 na pagkatangkadtangkad na rin sa height na 5’9.

Narito ang mga grades ni Bimby: Art – A; Religion – A; P.E– A; Music– A; WorldHistory – 93; Math – 94; English – 97; Reading – 99; Spelling – 99 at Science/Health – 99.

Caption ni Kris sa kanyang IG post, “The past months tested the fortitude of our family of 3, but this mama actually had no reason to fear, why? Because our 11-year old bunso is the best example of STRENGHT and RESILIENCE. Thank you, God for the reminder that we have so much to be GRATEFUL for. #familyislove.”

KRIIS AQUIINO AT BIIMBY

ARJJO ATAYDE AT MAIINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.