PNP todo-bantay kay Trillanes

Bandera - - FRONT PAGE -

MAHIGPIT ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police kay Sen. Antonio Trillanes IV habang hinihintay ang pagdating ng warrant of arrest para rito.

Kamakalawa ay ipinagutos ni Judge Melinda Alconel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 ang pagaresto sa senador para sa kasong libel.

Sa isang panayam, sinabi ni National Capital Region Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar na posible na nilang matanggap ang kopya ng warrant of arrest para sa senador.

Aniya, ang pagtutok kay Trillanes ang "pinakamagandang gawin para oras na matanggap ng pulisya ang arrest warrant ay agad i tong maipapaalam sa kanya.

Sinabi pa ng opisyal na nagpahayag ang senador na kusang- loob itong susuko upang magbayad ng piyansa tulad ng ginawa nito sa kanyang kasong kudeta.

Hindi na rin aniya kailangang maghigpit ng seguridad sa Senado para sa naturang kaso.

Ma t a t a n d a a n g nagsampa ng kasong libel si Presidential son Paolo Duterte laban kay Trillanes base sa alegasyong sangkot ito sa bilyon-bilyong halaga ng drug smuggling at pangingikil sa Uber.

Aa b o t naman sa P24,000 ang halaga ng nakatakdang babayarang piyansa ni Tr i l l a n e s . — Liza Soriano, Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.