Pinaasa, nagreklamo

Bandera - - FRONT PAGE -

BAGSAK sa kulungan ang babae na tinangayan umano ng P80,000 ang dating pulis na pinangakuan niyang maibabalik sa serbisyo.

Dinakip si Dianne Mae Navarez, 29, ng 9411 Alejandro st., Brgy. Vitalez, Paranaque City, sa entrapment operation, ani Chief S u p t . Gu i l l e r mo Eleazar, NCR Police Office chief. Ayon sa opisyal, ginagamit ni Navarez ang pangalan ng isang heneral sa PNP upang makapangbiktima. Sa kanyang reklamo, sinabi ni Emmanuel Carlos Bugayon na nangako ang suspek na maibabalik siya nito sa serbisyo kung magbibigay siya ng P80,000. Nagreklamo na ang biktima matapos mapako ang pangako ng suspek. Nahaharap ang suspek sa kasong robbery/extortion at estafa. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.