Expired na Xmas food nasabat sa palengke

Bandera - - FRONT PAGE -

HINIMOK ng Food and Drug Administration ang publiko na maging mapagbantay sa mga bibilhing panghanda sa Pasko.

Ginawa ng FDA ang babalamakaraang makakumpiska ang mga tauhan nito ng mga expired na Christmas products sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila kamakailan.

Ayon kay FDA director general Nela Charade Puno, nasabat nila ang tinatayang P127,000 na halaga ng expired na mga pagkain sa tatlong tindahan sa Quinta Market.

Sinalakay ng FDA ang palengke makaraang makaanggap ng mga reklamo ukol mga murang pagkain na ibinenenta sa naturang palengke. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.