Gov't exec sinisisi media dahil sa walang good news

Bandera - - FRONT PAGE -

DA w h o ang isang mataas na opisyal ng gobyerno na mahilig manisi kung bakit hindi nakakarating sa publiko ang umano'y good news na ginagawa ng administrasyon.

Na g u l a t a n g mga miyembro ng media nang biglang sisihin ni Mr. Executive ang mga mamamahayag kung bakit hindi umano bumababa sa mamamayan ang mga magagandang proyekto ng pamaha- laan.

Kinuwestyon kasi ng opisyal kung bakit umano sa kabila ng tatlong taon, hindi napapaabot sa baba o sa mga ordinaryong tao ang ginagawang mga programa ng administrasyon.

Ayon pa sa opisyal, hindi umano naisasapubliko ang good news na ginagawa ng pamahalaan.

Marami tuloy umalma sa naging pahayag ng opisyal dahil bukod sa tagahatid lamang ng balita ang mga miyembro ng media, hindi dapat ipasa ng opisyal ang kabiguan ng mga itinalaga na epektibong gawin ang kanilang trabaho.

Hindi na dapat magtaka ang opisyal kung bakit ganito ang nangyayari dahil maging siya ay takot humarap sa media para ipahatid sa publiko ang mga programa ng gobyerno.

Ilang beses nang tinangkang makipagpul ong sa opisya l pero hanggang ngayon hindi matuloy-tuloy ang meeting dahil ang kondisyon niya ay maliit na grupo lamang ang gusto niyang makaharap at hindi ang lahat ng mga miyembro ng organisasyon ng media.

Ang ending, hanggang ngayon wala pa ring meeting na naitatakda.

Bukod pa rito, talamak pa rin ang red tape sa p a g k u h a n g mga dokumento kung saan kinakailangan mo pang dumaan sa napakahabang proseso a t ang masaklap made-deny pa ang request para sa mga dokumento.

Bagamat may itinalagang sasagot s a mga isyung binabato ng mga miyembro ng media, may pagkakataon pa na isang araw hanggang tatlong araw ang palilipasin bago maglabas ng mga pahayag.

Panis na ang balita bago pa man magkaroon ng reaksyon mula sa mga opisyal.

Ilang beses na ring nagpalit ng tagapagsalita pero hanggang ngayon nangangapa pa rin ang mga opisyal.

Gusto nyo ba ng clue kung sino ang opisyal na naninisi sa media?

Ma y titulo itong maliit at laging ginagawang tagapagbantay.

Gets nyo na ba ang tinutukoy ko?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.