SSUUPPEERR HHOORROOSSCCOOPPEE BF ang wish ngayong Pasko (2)

Bandera - - FRONT PAGE -

Sulat mula kay Erika ng Bagbag, Rosario, Cavite Problema:

1. Isang beses pa lang akong nagkaka-boyfriend pero hindi seryoso kaya masasabi kong hindi ito tunay na relasyon kundi boyfriend-boyfriendnan lang, wala pa kasing dalawang linggo ay nagbreak na kami.

2. Sa ngayon ay magwa- one year na akong walang boyfriend at heto papalapit na naman ang Pasko, kapag nagkataon nito, malungkot na naman ang Pasko ko.

3. Gusto ko lang malaman Sir Greenfield kung sa palagay nyo ba magkaka-boyfriend pa kaya ako ngayong pasko upang maging masaya naman ang Christmas ko? December 16, 1996 ang birthday ko.

Umaasa, Erika ng Cavite Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing susuwertehin ka ngayong Disyembre na magka-boyfriend ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries at ito ay nakatakdang mangyari habang nagaganap ang kasagsagan ng Simbang Gabi.

Numerology:

Ayon sa birth date mong 16 isang lalaking isinilang sa petsang 4, 13, o kaya’y 22 ang magiging

boyfriend mo. At dahil kacompatible siya ng birth date mong 16, magiging sweet at matiyas ang suyuang inyong pagsasaluhan habang lumalamig ang k apaskuhan.

Luscher Color Test:

Upang mas madaling matupad ang nasabing pag-aanalisa sa itaas, mas mainam kung lagi kang magsusuot ng kulay na pampasko - yellow, green at red. Sa ganyang kulay, sigurado na ang magaganap –magkakaboyfriend ka ngayong papalapit na ang pasko, at ang nasabing relasyon ay magiging maligaya at nakakikilig.

Physiognomy:

Ang hugis ng iyong mukha na medyo maliit at tsinita ay nagsasabing ang lalakingmagiging boyfriend mo ay hindi

kalakihan a n g pangatawan, kung baga medyo payat na kaayusan lang, pero mahusay at magandang magdala ng damit.

Huling payo at paalala:

Erika ayon sa iyong kapalaran, matutupad na rin sa wakas ang malaon mo ng Christmas wish, sa paskong darating isang lalaking dati mo na ring crush at kakilala ang magiging boyfriend mo at ang lalaki na ring ito ang makakasalo mo sa isang maligayang Pasko, sa isang masaganang Bagong Taon at abot-na abot din hanggang sa sumapit ang Araw ng mga Puso sa susunod na taong 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.