Bahay sinunog: Padre de pamilya, anak todas

Bandera - - FRONT PAGE -

NASAWI ang lalaki at ang 11- anyos niyang anak makaraan niyang sunugin diumano ang kanilang bahay, sa Guinobatan, Albay, kamakalawa.

Dahil sa insidente ay nagtamo rin ng paso sa katawan ang isa pang menor de edad na anak ng suspek na si Agusto Duque, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Naganap ang insidente ala-1 ng madalingaraw, sa bahay ng mga Duque sa Purok 1, Brgy. Cabaloaon.

Nagising si Abegail Duque, 14, at nakitang nasusunog ang kanilang bubong, kaya tinangka nitongmakalabas. Nakaligtas ang dalagita pero nagtamo ng mga paso sa katawan.

Tulog umano si Agusto at isa pa niyang anak na si Bea Mae, 11, kaya nasunog kasama ng kanilang bahay.

Pero may hinala ang mga kaanak ng mga Duque na si Agusto mismo ang sumunog sa bahay.

Sinabi nila sa pulisya na dumanas ng depresyon si Augusto nang magtungo ang misis nito sa Maynila para magtrabaho noong Nobyembre.

Mula noon ay di na umano lumabas ng bahay si Agusto at sinabi pang wala nang halaga ang kanyang buhay at mas mabuti pa kung ito’y tapusin na lamang. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.