14-anyos nagbigti

Bandera - - FRONT PAGE -

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbigti ang 14-anyos na binatilyo sa Batac City, Ilocos Norte, Huwebes.

Nadatnan ng kanyang ama ang binatilyo na nakabitin ng lubid sa kanilang kusina alas-11 ng umaga, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police.

Agad ibinaba ng tatay ang anak at itinakbo sa pagamutan, pero idineklarang patay ng doktor ang biktima.

Inaalam pa ng lokal na pulisya kung ano ang nagtulak sa binatilyo na magpatiwakal. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.