Du30 utak sa bagong kaso—Trillanes

Bandera - - FRONT PAGE -

SINISI ni Sen. Antonio Trillanes IV si Pangulong Duterte sa bagong kaso na isinampa laban sa kanya sa Pasay City.

Tinawag din ni Trillanes si Duterte na “baliw” matapos mabalitaan na naisampa ang kasong grave threats laban sa kanya sa Pasay Metropolitan Trial Court Branch 47.

Sa isang kalatas, sinabi ng senador na “nabaligtad na ni Duterte ang hustisya sa Pilipinas.”

Inilarawan din niya ito bilang tanging pangulo ng Pilipinas na “nagpapapatay s a mga ordinar yong Pilipino, pinapa-rape ang mga babae sa mga sundalo, pinakikidnap at pinatotorture ang mga opisyal ng Commission on Audit at pinaho-holdap ang mga obispo.”

“At pagkatapos ay ako pa ang pinakakasuhan sa mga bata niya,” dagdag ni Trillanes.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na haharapin niya nang patas ang kaso gaya ng iba pang “harassment cases” laban sa kanya.

Giit din niya, ang pagbalik niya sa bansa mula sa mga aktibidad niya sa ibang bansa ay bilang patunay na hindi siya takot sa administrasyon. — Radyo Inquirer

INQUIRER

BILANG paghahanda sa rehabilitasyon ng Manila Bay ay ininspeksyon ni Environment Sec. Roy Cimatu ang komunidad ng mga informal settlers sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila, na nasa gilid ng lawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.