MRT3 tumirik ng 2 beses

Bandera - - FRONT PAGE -

PINABABA ang may 350 pasahero ng Metro Rail Tr a n s i t 3 kahaponmatapos na magkaaberya ang tren nito.

Alas- 2: 30 ng hapon nang magkaroon ng electrical failure sa makina ang tren na papuntang North Avenue station.

Pinababa ang mga pasahero sa Ortigas station.

Humingi naman ng paumanhin ang Department of Transportation-MRT3 sa pangyayari.

Ito ang ikalawang pagkasira ng tren kahapon.

Pinababa ang may 75 pasahero sa Kamuning station alas-6:27 ng umaga. Ang tren ay papuntang Taft Avenue station.

Nagkaroon din ito ng electrical failure ang makina ng tren.

Isa sa mga sanhi ng electrical failure ay ang kalumaan ng mga piyesa nito.— Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.