Bahay ng parak nilimas

Bandera - - FRONT PAGE -

PINASOK ng mga kawatan ang bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng gabi, at natangay ang baril, alahas at pera.

Kinilala ang biktima na si PO3 Roy Guiyab, 32, nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division ng Southern Police District.

Ayon kay Guiyab, nadatnan niyang bukas ang pinto ng kanyang unit sa Building F ng SPD Quartering, Camp Bagong Diwa, Brgy. Lower Bicutan, kaya agad siyang pumasok.

Aniya, nagulo ang loob ng kanyang unit at nawawala na ang kanyang kalibre-.9mm pistola, gintong kuwintas at P8,000 cash.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.