An egg a day keeps the doctor away

Bandera - - FRONT PAGE -

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor away.

Iyan ay base na rin sa pag- aaral na isinagawa sa Europe. Ayon d i to, nakakatulong umano ang pagkain ng itlog araw- araw para makaiwas sa type 2 diabetes.

Pinag-aralan ng mga mananaliksik sa University of Eastern Finland, ang 239 blood serum samples ng mga lumahok s a Ku o p i o I schaemic Heart Disease Risk Factor Study.

Hinati sa apat na grupo angmga dugo— ang mga kumakain ng itlog arawaraw; kumakain ng dalawang itlog kada linggo; ang mga kumakain ng i t l o g na nagkaroon ng type 2 diabetes; at ang mga hindi pa nagkakaroon ng diabetes.

Tumagal ng 19.3 taon ang pag- aaral sa mga kalahok.

Ayon sa resulta na nailathala sa Molecular Nutrition and Food Research ang mga lalaki na kumakain ng itlog a r aw- a r aw a y mas mababa ang tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes. Iniuugnay ito sa lipid molecule ng itlog.

Natukoy rin sa pagaaral na ang mataas na lebel ng amino acid tyrosine sa dugo ay nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes.

Kaya lang mayroong mga naunang pag-aaral na kailangang bawasan ang pagkain ng itlog dahil nagpapataas ito ng cholesterol.

Isang pag-aaral naman ang nagsasabi na kailangan ng katawan ang itlog dahil sa taglay nitong nutrients na mahalaga upang maging malusog ang katawan.

Magsasagawa pa ng mga pag- aaral upang matukoy kung anong component ng itlog ang nakakatulong sa pagpapababa ng tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.