KILALANG MALE CELEB NA SA CONDO, MAY KALAGUY

Bandera - - FRONT PAGE -

KAHIT anong tago pa ang gawin ngmga nagmahalan at nagkahiwalay na personalidad ay hindi ‘yun mangyayari. Kahit gaano pa kahigpit ang kanilang usapan na walang magsasalitang sinuman sa kanila ay siguradong lalabas at lalabas pa rin ang mga kuwento kung bakit sila nagkahiwalay.

Walang lihim na hindi nabubunyag. Gaano man katindi ang pagtatago, umabot man ‘yun nang ilang taon, ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.

Babae ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng isang showbiz couple, nahuli diumano ng misis si mister na may itinatagong kabitsina sa nabili nitong condo unit, pero ibang-iba naman ang bersiyon ng kuwentong alam ng mga kaibigan nila.

Sabi ng aming source, “’Yun ang kumalat na kuwento, ‘yun ang duda ng mga taong naghihintay ng paliwanag nila. Wala naman kasing nagsasalita sa kanila, di ba?

“Wala, kaya hanggang pagdududa lang ang alam ng mga close sa kanila. Pero may mga kakilala sila na iba ang alam, hindi babae ang dahilan, kundi lalaki,” bitin na umpisa ng aming chikadorang impormante.

Magkasama pa rin sila sa isang bubong, pero madalas na nasa kanyang condo ang aktor, ‘ yun ang naging mitsa ng hindi na nila pagpapakialaman ngayon.

“Alam ng girl ‘yun, matagal na niyang alam na may ka-close na kaibigan ang husband niya. Nu’ng una siyempre, friendship lang ang alam niya, pero nu’ng magtagal na, alam na ng girl na iba na ang relasyong meron ang mister niya at ang guy.

“Pareho silang educated, pareho silang professional, madali silang nagkaintindihan. Wala nang naging problema, nagkasundo na lang sila na sa bahay pa rin nila uuwi ang male personality, pero may lalaki rin siyang inuuwian sa condo.

“Ganu’n lang kasimple. Walang away na naganap, hindi alam ng mga anak nila ang totoong dahilan ng hindi pag-uwi ng kanilang daddy sa bahay nila, ganu’n sila ka-secretive tungkol sa sitwasyon nila.

“Mas sinuwerte pa nga sila nu’ng lumabas na ang totoo. Maraming projects ang male personality, naibibigay niya ang mga needs ng kanilang mga anak, bukod kasi sa pagarte, madalas din siyang sumisigaw ng action at cut!” pagtatapos na chika ng aming source.

Mauupo pa k n’yan sa Row 4 n ang mabahong ba Bradly Guevarra Nene Ulanday, n’yo na kung sinu bumibida sa kuw ito?

Ang pagbabali iisang Angel Loc pakasarap sa pan linyang ginamit ng scape Productions s pagbibida sa teleb aktres sa hinihin The General’s Dau

Ganu’n katin portansiya ang ibi Angel Locsin ng A Panay-panay ang palabas ng teaser n papalit sa Nga Kailanman na han Biyernes na lang panood.

Ang ganda-g Angel sa lahat ng s gang-alaga siya camera, ngayon p hawak na sa leeg

ANGEL LOCS II N

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.