ANGEL PAYAG MAGKONTRABIDA SA DARNA: GUSTO KONG MAGING VALENTINA

Bandera - - FRONT PAGE -

"GUSTO ko talagang i-try na maging Valentina!" Ito ang inamin ni Angel Loscin sa nakaraang presscon ng bago niyang primetime series na The General's Daughter sa ABSCBN.

Bago pa man daw i-announce ng StarCinema na siya ang bibida sa bagong movie version ng "Darna" ay sinabi na niya na nais niyang maging isa sa mga kontrabida ni Darna.

"Sinabi ko naman talaga sa kanila noon pa na baka it's time na ibigay sa iba. Nagsabi pa nga ako na gusto ko maging Valentina noon, ayaw nila. Hindi nila tinanggap. Bago pa ito, bago pa namin i-announce na gagawin ang Darna sa ABSCBN," pahayag ni Angel.

Ayon pa sa Kapamilya actress, noong ibinigay sa kanya ang "Darna", nagkasundo sila ng mga bossing ng ABS-CBN na hindimuna siya gagawa ng teleserye habang nagsu-shooting.

"Noong gagawin ko po dapat yung Darna, meron kaming agreement ng ABS na hindi ako tatanggap ng ibang project hangga't ginagawa pa yung Darna. Dahil umabot nga po tayo ng lampas limang taon yata, yung preparation ng Darna, nadelay nang nadelay.

"Though nakakagawa ako ng guestings, ng pelikula, pero yung teleserye, not allowed. At may agreement naman po kami sa ganun kasi mahirap. Very physical at saka yung schedule na kailangan, medyo challenge kaya natagalan nga siya," paliwanag pa ng dalaga.

Ngunit hindi na nga ito natuloy dahil sa disc bulge sa kanyang spine. Pinalitan siya ni Liza Soberano sa nasabing proyekto.

Samantala, pumayag namansiAngel na gawin ang action-drama series na The General's Daughter kung saan kailangan niya ring gawin ang mga delikadong stunts at fight scenes. Bakit napapayag siyang mag-aksyon uli sa kabila ng mga pinagdaanan niya?

"Alam mo yung meron kang unfinished, omeronkang kinukwestiyon sa sarili mo na gusto mong i-prove. Gusto ko ring i-prove sa sarili ko na kaya ko and ang dami kasing nagme-message sa akin sa Instagram, sa Twitter na same condition, nahihirapan sila.

"Maybe, kapag nakita nila na kapag kaya, medyo matagal na naman, baka mabuhayan din sila ng loob na hindi pala, hindi pala end ito ng activities ko, kailangan ko lang maging extra careful," ani Angel.

Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ang pagsisimula ng The General’s Daughter. Ditomuling ipamamalas ni Angel ang kanyang galing sa drama at aksyon bilang si Rhian Bonifacio, ang anak ng heneral na hinubog upang patayin ang mortal na kaaway ng kanyang pamilya.

Ngunit ang hindi niya alam, ang buhay niya ay puno ng kasinungalingan dahil ang

Samantala, man ni Angel a pangarap na tata magkaroon ng pr ng dagat.

Nag-post ang stagramng litrato si Angelo Colme ang mga kapati isang beach sa T Zambales.

Caption ni A little, I'mALMO fill my father's dream as well, t where we can sp family while bein serve the beauty o

"I don’t pos but this became CAUSE OF YO you deserve to kn ving me a chanc

ANGEL LOCSIIN

SII ANGEL KASAMA ANG AMA AT KAPATIID SA NABIILIING PROPERTY SA ZAMBALES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.