Akting ni Ken Chan sa My Special Tatay kinokopya ng netizens Yasmien, Dion balik-tambalan sa GMA after 10 years

Bandera - - FRONT PAGE -

MAY bagong aabangan ang loyal fans ni Yasmien Kurdi. Siya ang bibida sa bagong drama series ng GMA na Hiram Na Anak.

Matapos ang kanyang toprating advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, muling pinagkatiwalaan ng Kapuso Network ang magaling na aktres para sa proyektong ito.

Makakasama ni Yasmien sa upcomingKapuso series sina Paolo Contis, Dion Ignacio, Lauren Young, Maey Bautista at Leanne Bautista.

Handang-handa na nga si Yasmien na sumabak sa taping at looking forward siya sa baliktambalan nila ni Dion, “Exciting siya kasi after 10 years, magkakasama uli kami ni Dion. Ang last show namin ay yung Saan Darating Ang Umaga. Medyo gamay na namin ang isa’t isa. First time ko rin na makakatrabaho si Lauren.”

AngHiramNaAnak ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. at malapit nang mapanood sa GMA.

Isa nang ganap na recording star si Ken Chan matapos pumirma ng kontrata saGMA Music. Ito ay para sa duet nila ni Rita Daniela na “Almusal.”

Si Rita ang love interest ni Ken sa top-rating Afternoon Prime soap na My Special Tatay. Patok na patok sa netizens at avid viewers ng serye ang loveteam nila bilang sina Boyet at Aubrey o mas kilala ngayon bilang BoBrey.

Talagang maganda ang pasok ng 2019 kay Ken dahil bukod sa pagiging recording artist, patuloy pa ring sinusubaybayan ang mas lalo pang gumagandang kwento ngMy Special Tatay.

May ilan pa ngang netizens ang gumagaya sa pagganap niya bilang si Boyet. Kaya naman masayang-masaya si Ken dahil kahit saan siya magpunta, ang tawag na sa kanya ng mga tao ay Boyet.

Talagang minamahal at tinututukan pa rin hanggang ngayon ng sambayanan ang kwento ng My Special Tatay pati na rin ng tambalan nila ni Rita kaya hindi nakapagtataka ang patuloy na pag-arangkada nito sa TV ratings.

Ang bongga naman ni Jo Berry! Talagang walang takot at walang awa niyang sinabunutan at pinagsasapak si Cherie Gil sa isang eksena nila saKapuso series na Onanay.

Napanood namin ang nasabing episode at wala kaming masabi sa katapangan ni Jo bilang si Onay dahil kung hindi kami nagkakamali, siya pa lang ang nakagawa ng ganu'ng kalupit na pambubugbog kay Cherie sa isang serye na gumaganap bilang si Helena.

Talagang sinugod at tinalon niya s i Cher i e p a ra masabunutan at masapak nang bonggang-bongga! Kaya naman ang mga viewers talagang humangaatsumaludo sa tapang ni Onay. Marami pang ganyang pasabog ang Onanay kaya patuloy itong subaybayan sa GMA Telebabad after Cain At Abel.

KEN CHAN AT RIITA DANIIELA

KATE VALDEZ,, CHERIIE GIIL AT JJO BERRY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.