Alien In Love

Bandera - - FRONT PAGE -

Nagsagutan agad ang media, reaksiyon sa sinabi ng ama ni Marianne.

“Sir, kiling nga po kami kay Miss Marianne. Ang mga i s i nu l a t po namin ay katotohanan. Na walang maikonektang guilt sa inyong anak.”

“Tama ‘yan, Sir. Totoo po talaga ‘yan.”

“Lalabas din ho ang k a to tohanan. Mapapawalang- sala si Miss Ma r ianne . Iyung pinakaunang nag-investigative reporting tungkol dito ay talagang malinis ang kanyang mga artikulo. Well-documented and well-researched ho talaga.”

“Ang suwerte nga po ng inyong anak dahil talagang may nagpakahirap para hindi madiin ng walang katotohanan si Miss Marianne.”

Agad namang na-relax ang ama ni Marianne. “Mabuti. Mabuti na- man.”

MAY mga mata at teynga sina Aiza sa mga nangyayari.

“Nandidito na pala sila sa Maynila! At ngayon, dinudumog ng press! Dapat, durugin ng press ang Marianne na ‘yan! “

“Naku, Aiza ... iba ang nakarating sa aming balita. Nakakainis.”

“Ano’ng balita?”

“Na masaya doon sa kanila angmedia. Pinakain pa raw. At nagpahayag na karamihan ng mga reporters na ang katotohanang isinusulat nila ay pabor kay Marianne.” Natigilan si Aiza. At namutla.

“Noooo! Mga sira-ulo sila! Mga gago sila!”

“Kasi nakasira talaga sa atin iyung unang multi- awarded young reporter na naglabas ng investigative reporting. Naging bida s i Mar ianne!”

“At hindi dapat nang- yari ‘yon!” Ang lakas ng sigaw ni Aiza.

“Iyon na nga, e! Bakit tayo ang nadiin?”

“May mga ebidensya silang nakita sa atin. Sa totoo lang, naging gago din tayo.”

“Ga n i to na lang, aminin n’yo na lang na kayo ang nagkasala. Ilabas ninyo ako! Sabihin ninyong wala akong kaalamalam!” Halatang nagpapanic na si Aiza.

“Ano? Kami ang isasalang mo?”

“Ilalabas ko rin kayo. Kukuha ako ng mga magagaling na abugado to defend you!”

“Oras na umamin na kami at dahil nga may nakuha s i l a n g mga ebidensya, makukulong na kami, Aiza.”

“Basta gagawin ko ang lahat na makakalabas din kayo. Wala ba kayong tiwala sa akin?”

Walang sumagot. Halata ngang ni isang walang tiwala kay Aiza.

“Magsialis na kayo dito! Ayokong makita ang mga pagmumukha ninyo tutal wala naman akong pakinabang sa inyo! So layaaaas!”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.