Pusher patay sa buy bust

Bandera - - FRONT PAGE -

PATAY ang isang pinaghihinalaang pusher sa isinagawang buy bust operation sa Biñan City, kahapon.

Nakumpiska mula sa suspek na si Limuel Inopre alyas Tarzan ang 10 sachet ng shabu.

Sinabi ni Laguna police director Sr. Supt. Eleazar Matta na isinagawang buy bust sa kahabaan ng Barangay Canlalay ganap na alas-3:45 ng umaga. Kabilang si Inopre sa drug watchlist ng pulis.

Idinagdag ni Matta na nagpaputok si Inopre gamit ang kanyang .38 kalibreng baril. Gumanti ang mga pulis, dahilan para mapatay ang suspek. — Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.