Driver ng mayoral bet patay sa ambush

Bandera - - FRONT PAGE -

PATAY ang driver ng isang kandidato na tumatakbong mayor ng Buenavista, Bohol matapos tambangan ang kanilang sasakyan sa bayan ng Getafe kahapon ng hapon.

Sinabi ni Senior Inspector Narciso Laroga, chief ng Getafe Police station, na nangyari ang pananambang ala-1:50 ng hapon sa Barangay Tulang.

Idinagdag ni Laroga na minamaneho ng biktima na si Conrado Añasco, ang Toyota Fortuner na pagaari ng abogadong si Rico Cabarrubias nang tabihan ng riding-in-tandem ang sasakyan at pinagbabaril ang driver.

Ligtas naman si Cabarrubias, na tumatakbong mayor sa Buenavista at miyembro ng isang prominenteng pamilya ng mga politiko.

Tinamaan ang driver sa bandang ilong at tumagos sa kanyang puso, na naging d a h i l a n ng kanyang agarang pagkamatay.

Sinabi ni Laroga na galing si Cabarrubias mula sa bayan Talibon kung saan dumalo siya sa isang hearing kaugnay ng kasong hinahawakan at pauwi na kasama ang driver nang mangyari ang pag-atake.

Ani Laroga inaalam pa kung konektado sa eleksiyon ang pananambang. —CDN

IINQUIIREER

CCHIICCKKEEN GGAA LLOREE SSaannggkkaatteerrbbaa aanngg maa nnookk nnaa iimppoorrtteedd aanngg iibbiinniibbeennttaa ssaa ppaalleennggkkee,, ddaahhii-ll aa nn pp aa rr aa m aa aa pp ee kk tt uu hh aa nn aa nn gg nneeggoossyyoo nngg llooccaall ppoouullttrryy iinn-dduussttrryy..

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.