Data breach sa DFA uuriratin

Bandera - - FRONT PAGE -

IIMBESTIGAHAHAN ng Senado ang umano’y passport data breach ng Department of Foreign Affairs.

Ito ay matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na tinangay ng dating contractor ng ahensiya ang lahat ng datos ng mga passport holders makaraang hindi ma- renew ang kontrata nito.

Naghain na ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros na humihiling na imbestigahan ang isyu.

"As the Philippines is about to begin implementation of the National ID System, reports such as these do not inspire confidence in the capacity of government to protect our data and its ability to p o l i c e and h o l d a c- countable private contractors who process personal information,” pahayag ni Hontiveros.

Samantala, sinabi ni Locsin na sa ngayon ay wala pang nagli-leak na data.

"No leak so far, is possibly hopelessly corrupted and at any rate inaccessible now or we are being lied to as usual.” ani Locsin.

Aniya, kailangan gumawa ng bagong database ang DFA para sa passport na inisyu bago ang 2010 dahil tinangay aniya ang mga impormasyon kaugnay rito.

Ka h a p o n a y n a gpadala naman ng imbitasyon sa tanggapanng ahensiya ang National Privacy Commission (NPC) para sa imbestigayon sa ins i dente.— Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.