Patay na isda ibinaon na

Bandera - - FRONT PAGE -

IBINAON sa mga baybayin ang nasa dalawang tolenadang mga patay na isda na naglutanga­n sa dalampasig­an ng Las Piñas at Parañaque kamakalawa.

Kinumpirma naman ni Parañaque City Agricultur­e and Fisheries Office chief Nilo Jermedia na sumabog na dinamita ang ikinamatay ng mga isda.

Aniya, kumuha sila ng sample ng buhay na isda na lumutang sa lugar at nakitang bugbog ang mga katawan nito habang halos madurog naman ang katawan ng mga nakuhang maliliit na isda.

Hinala ng Bureau Fisheries and Aquatic Resources na sa ibang lugar gumamit ng dinamita ang mga mangingisd­a at inanod lamang sa lugar ang naglutanga­ng patay na isda.

Ayon kay Jermedia, nagtulong-tulong ang PNP Maritime personnel, BFAR at Parañaque City LGU sa paghuhukay at pagbabaon sa mga patay na isda. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.