Trapik sa MM lalala pa

Bandera - - FRONT PAGE -

NAGBABALA si Caloocan City Rep. Edgar Erice sa Metro Manila Developmen­t Authority at sa Department of Transporta­tion na makararana­s ng mas malalang traffic ang Metro Manila pagpasok ng Nobyembre.

Ayon kay Erice, dalawa sa magpapalal­a ng sitwasyon ay ang South East Asian Games na magsisimul­a sa Nobyembre 30 at ang Christmas rush.

Sa kanyang pagtataya, madadagdag­an ng 20 porsyento ang volume ng mga sasakyan sa Edsa kaya "tiyak na magmimistu­lang parking space ang pangunahin­g lansangan."

Dahil dito ay muling itinulak ni Erice ang pagbabawal tuwing rush hour ng mga private vehicles sa Edsa.

Paliwanag ni Erice, ito lamang ang nakikita niyang mabilis at epektibong

paraan para matulungan ang mayorya ng mga commuters ngayong Christmas season.—Radyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.